Chapter 24. "Feel the pain until it hurts no more"

1.3K 31 1
                                    



Sapo ang ulo ay napabangon ako. Ouch! Parang mabibiyak yung ulo ko sa sobrang sakit.



"Hay! Sa wakas gising ka na."



"Palaka!" gulat na hiyaw ko sabay hampas sa mukha ni Berto. Diba ayuko nang ginugulat? Chura nito!



"Cecelia ah maramimi ka ng atraso sakin. Oh inumin to. Lasenggera!" pinagduldulan niya sa bibig ko ang isang gamot kaya wala akong nagawa kundi lunukin yun. Aw! Ang sakit talaga ng ulo ko.



"Uwi na nga ako. Bahala ka nang mag explain sa mama mo. Lagot ka!"



"Chee! Traydor." Binato ko siya ng unan pero tumakbo na siya palabas ng kwarto ko. Dahan-dahan na lang akong bumaba sa kama at pasuray-suray na lumabas pero napamura ako ng bumulaga sa harap ko ang nakabusangot na mukha ni mama.



"Saan mo natutunan ang paglalasing Cecelia?" ayan na ang bibig ni mother earth umaarangkada na. Pasimple ko siyang niyakap at dinala sa sofa. Kunting kembot lang naman tong si mama eh.



"Nag celebrate lang." Ngisi ko pa pero sinapak niya ako. "Mama naman eh. Masakit na nga tong puso ko pati ba naman tong ulo ko."



"Asus! Ikaw na bata ka ha. Wag mung gayahin ang papa mong lasenggero." Singhal pa niya. Tumango nalang ako kahit gusto ko pa sanang magsalita. "Kumain ka na nga. May pupuntahan pa ako." agad rin siyang tumayo at lumabas ng bahay. Napabuntong-hininga akong dumulog sa kusina. Kumain ako kahit parang nasusuka ako. Napatingin ako sa orasan. Susmiyo! Hapon na pala!



"May practise game sila ngayon." Mabilis akong kumilos para maligo pero katatapos ko lang magbihis ng maalala ko bigla si Sebastian. Ang walang-hiyang Sebastian! Huh! Akala ba niya matatapos lang ang buhay ko gayong nalaman ko ang maitim niyang balak laban sakin? Neknek niya! Gusto niya ng laro? K fine! Ibibigay ko sa kanya ang larong hinahanap niya! Piste siya.



Nang makarating ako sa gym ay sabay-sabay silang lahat na lumingon sakin. Particular ang isang taong makakatitig sakin parang ako pa ang may kasalanan ng lahat. Ngumisi ako sa kanila.



"Oy manager. Okay ka lang? Ikaw ha, naglasing ka pala kanina." Napapikit ako sa sinabi ni Andrie. Kailangan talaga ipagsigawan?



"Naka inom lang." Tawa ko pa saka pasimpleng umupo sa bleacher. Nagsimula na rin ang practise game nila pero wala akong ginawa kundi titigan si Sebastian at paulit-ulit na binabatalan ng buhay sa utak ko. Napaiktad lang ako ng sinundot niya ang pisngi ko.



"What's wrong with you?" agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Tumabi naman siya sakin kaya mas nadagdagan ang inis ko. Hindi ako dapat magpapatalo sa kanya. Ngayon ko pinagsisihang inilaan ko ang panahon ko sa kanya, na inamin ko sa sarili kong gusto ko siya, na for once nahulog ako sa kanya. Swerte niya kung iiyak lang ako sa isang tabi kahit pa parang mababaliw ako kakaisip kung bakit nagagawa ni Sebastian sakin ang ganito.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon