Chapter 45. "Will you still love me the same?"

1.1K 35 1
                                    



Nang umalis ka kasama si Sasha ay parang nanlambot ang tuhod ko. Ewan ko ba bigla kasi akong kinabahan kanina eh. Ayan tuloy hindi kita naasikaso. Namamaga pa naman ang kamay mo.



Pagka gising ni Tyrone ay umuwi na rin kami. Medyo masama kasi daw talaga ng pakiramdam niya. Buti na lang at dumating na si Berto at doon daw siya matutulog sa apartment ni Tyrone para magbantay. Asus! Hindi na talaga sila mahiwalay na dalawa.



Matanong kita, okay ka na ba? Nabugbog mo na kasi ang bestfriend mo kaya sana naman okay ka na. Hindi madali magpagulpi ha. Basagulero ka eh kaya malamang kawawa talaga yong kaibigan mo. Haist! Gumulong ako sa kama saka kinapa ang bag ko.



"Tayka, nasan ang phone ko?" napabalikwas ako ng bangon at naghalughog sa bag ko. Takte! Nasan na yon? Halos baliktarin ko na ang buong kwarto ko pero wala talaga. Oh no! Paano na lang kung nag text ka diba? Leche naman oh. Napatingin ako sa relo ko. Quarter to 7 pa. Mabilis akong nagbihis at lumabas ng kwarto.



"Hoy Cecelia gabi na. Saan ka na naman pupunta?" sigaw ni Mama galing sa kusina.



"Naiwan ko po cellphone ko. Mahal po yon eh. Pwedeng ebenta. Sayang naman."



"Wag mag pagabi ha."



"Gabi na po. Baka wag magpa umaga."



"Cecelia!"



"Oo na po. Bye po." At kumaripas na talaga ko ng takbo papuntang sakayan ng tricycle. Gosh! Nakalimutan ko pa ang jacket ko. Buti nalang at madali akong nakasakay at the best si Manong kasi na feel ata niyang kailangan niyang bilisan ang pag pedal or else pipilipitin ko ang leeg niya hanggang sa mangisay siya.



Kumaripas na naman ako ng takbo papasok ng campus. Maliwanag pa naman at marami pang tao kasi may class pa naman hanggang 10 pm. Dumiretso ako sa quarter. Halos bulabugin ko na lahat ng alikabok sa kasuluk-sukan pero wala pa din. Kahit nga sa cr at inidoro ay nag search ako pero wala talaga. Argh! Na fru-frustrate na ako. Sa clinic? Tama! Tumakbo ako papunta don pero naka lock na. Shit! Anong gagawin ko? Nasabunutan ko na ang buhok ko.



"Sa gym?" pero napailing ako. Hindi naman kasi ako pumunta don kanina after the practise diba. Nandito lang talaga to sa clinic eh. Aish! Bukas na nga lang. Sambakol ang mukha kong nagmartsa palayo sa clinic. Pero papaliko na sana ako sa exit gate ng mamataan ko ang gym. Napakamot na naman ako sa sarili ko. Sige na nga! Pupunta na lang ako don malay natin nandon para matahimik na tong loob ko. Kainis! Bakit ko pa kasi yon nakalimutan?



Dumaan ako sa fire exit kasi naka lock nayong entrance. Saka alam ko naman kung saan ang main switch kaya hindi ako natatakot. Ilang beses na kaya kaming nagpalipas ng gabi dito. Pagpasok ko ay masyadong madilim kaya kumapa-kapa pa ako para maabot ang switch. Ayos! Nahawakan ko. I click it.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon