Chapter 36. "Walk by faith, not by sight"

1K 29 0
                                    


When everything seems right then all of a sudden it turns out na mali ka pala ng inaakala. Yung tipong, wow! Ang bilis naman ata ng karma ko, ng karma naming dalawa. Isang araw pa nga lang kaming naging okay, heto na naman at hinarap na naman ang new challenges. Takte naman oh! Pwede bang isa-isa lang muna? Yung mapapasabi ka na lang na "Hey, pa try naman maging masaya muna kami oh". Pero hindi eh. Hindi madaling maging masaya.



Talaga bang pagnamahal ka kakambal na ng saya ang lungkot? Yung heartbreak na paulit-ulit? Yung eksinang nakakasawa kasi nakaka drain ng utak? Yung may masaktan ka ring iba? Hanep ah! Si Cecelia lang ako pero pang telenovela ang love life ko. Matatalo ko na ata ang JaDine neto eh.



2 days. Dalawang araw na ang lumipas pero tulog pa rin siya. Oo, tulog. In English sleeping! Nabigwasan ko na siya ng ilang ulit dahil hindi na ata siya marunog huminga at kinalimutan na niya atang gumising kahit dalawang araw na. Napakabobo mo talaga Sebastian kahit kailan! Walang forever kaya please lang gumising ka na!



Mahirap makita yong taong mahal mo na nag hihingalo kala niyo lang. Hindi siya madali leche! Nandiyan yong aatungal na lang ako bigla kasi ang bagal ng heart rate niya sa machine. Takte! Sira pa ata tong machine nila eh. Yung mapapasigaw ka na lang sa nurse kasi kinakabitan na naman niya ng panibabong tubo yong katawan niya. Eh kung paslakan ko kaya ng dos por dos ang bunganga ng mukhang patong nurse na'to. Argh! Nangigigil ako eh.



Pero alam niyo yung mas worst? Yung moment na biglang eh eksina ang doctor with matching lungkot expression on the face. Gusto ko siyang sungalngalin ng syringe. Humarap pa talaga siya saming lahat sabay buntong hininga. Then he said, "Doctor Tuazon (referring on Sebastian's mom who is also a doctor) I'm sorry to tell you but his eye condition is getting worst. Hindi siya naoperahan prior to his accident before but this time, we must undergo it. Mahihirapan na siyang makakita ulit."



Alam mo yung feeling na para kang nawalan ng oxygen sa utak? Yung feeling na nakanganga ka lang kasi hindi ma divert sa utak ko kung anong ibig sabihin ng sinasabi ng ophthalmologist na'to. Yung tipong parang ang sakit-sakit sa dibdib mo kasi nakakawalang lakas eh. Nakakawala ng poise. Bwesit! Nakakapanghina. Yung tipong ang sarap niyang sigawan ng "Excuse me, joke ba'to? Wag kang mag joke diyan kasi hindi tayo close leche!"



Pero hindi eh. Hindi tumawa ang doctor, hindi rin humagikgik si Tita. Hindi nga rin humingaw ang buong team eh. Hindi rin ako pinalo ng pabiro ni Berto. Hindi rin ako ngitian ni Tyrone. Hindi rin bumangon si Sebastian sabay sabing "Whoaahh! Na wow mali ka Cecelia!" Wala akong ibang narinig kundi iyak ni Tita. Wala! As in wala! Isang mura naman diyan oh. TANG'INA!



"Mahihirapan na siyang makakita ulit." Weh? Di nga? Si Sebastian mahihirapang makakita ulit? Adik! Umabagan kita diyan eh. Ang sama ngang makatingin sakin yang hinayupak na yan eh. Makatitig yan parang babalatan ako ng buhay. Yung mata niyang hobby ang panlilisik na parang hinahalungkat ang kaibuturan ng kaluluwa ko. Yang mata niyang kulay brown ata yun basta maganda, yung tantalizing kahit minsan lang tumawa, yung may contact lens daw kasi Malabo, yung ginagamitan ng eyeglasses kasi mahilig magbasa. Takte! Makikita pa ako non kasi ako ang favourite sight niya eh. Titingnan pa niya ako ng seryuso sabay irap para magmukha siyang cool. Makikipag eye to eye contact pa ako sa matang yon kahit pa habang buhay. Yung hindi kukurap, yung hindi lang titingnan ako ng tagusan. Ayuko ng ganon. Ayuko!

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon