Chapter 38. "Till I met you"

989 25 0
                                    


Dearest Tyler.



Ay pakshet! Nagtatayuan talaga ang mga balahibo ko sa pangalang yan eh. Sorry naman! Feeling ko kasi si Tyrone pa rin yung sinusulatan ko. Argh! Okay ito na.


Ahem.



Dearest Basti,


Pakshet ulit! Nakikiuso lang. Sorry naman. Ahm! Nagsimula na nga pala ang pasukan. Manager pa rin ako kasi hindi ko pala naipasa yung resignation letter ko kaya hindi void yung pag-alis ko. Takte! Napasama tuloy siya sa absences and neglecting of duty. Naks!


Okay lang ako kahit hindi ka nagtatanong. Maganda pa rin kahit hindi mo na nakikita. Nga pala classmate ko na sa lahat ng subject ang bestfriend kong makaluma. Hindi na siya nagbago, kupal pa rin. And worst? Si Berto may plus one na. Oo! Dalawang unggoy na ang nakabuntot sakin araw-araw. Si Tyrone ang tinutukoy ko. Wag kang magselos kasi hindi bagay sayo.


Mangungumusta ako ah. Kumusta ka na? Gwapo ka pa rin ba? Masungit? Matigas ang ulo? Naninigaw? Basketball pa rin ba favorite sports mo? 3 glasses of water lukewarm pa rin bang trip mo sa umaga? Pasensiya naman, yan lang ata ang alam ko sayo. Oy! Miss na kita. YUCKS!



"Hoy!" nasubsob ako sa lamesa. Lang'ya! Kailangan talaga igudngod ang ulo ko sa lamesa pag nangungumusta siya? Hindi siya sweet! Pinanliitan ko siya ng mata ng maupo siya sa tabi ko ng nakangisi.



"The daily dose of C3 version 2.0 ba yan?" sundot pa niya sa journal ko. Nilayo ko agad sa harap niya yon. Kita mo to! Pakialamero.



"Hindi mo mababasa to." inirapan ko pa siya saka sinilid sa bag ko yung journal. Ayuko ngang mabasa niya to kasi para lang to sayo. Baka magselos ka na naman diba? Hindi ako assuming, maganda lang.



"As if naman babasahin ko." Inirapan din niya ako. Excuse me! Kailan pa niya natutunang magmaldita sa harap ko? Pero bigla niyang tinakpan ang ilong niya with matching singhot sa akin. Problema niya?



"Kailan ka pa huling naligo Cecelia? Nangangamoy ka na."



"Pakyu ka!" umusog tuloy ako palayo saka singhot sa sarili ko. Putragis! Mabango naman ah.



"Tsk! Hindi talaga eh." Umusog siya palapit sakin saka hinablot ang buhok ko. Takte! Bigla niyang inamoy ang ulo ko pero nilayo rin niya ng mabilisan saka umiling-iling. Umbagan ko siya diyan eh.



"Maligo ka na." At hinablot ako patayo at tinulak papunta sa banyo. "Mag paganda ka, mag pabango, mag-ayos ka. Aalis tayo."

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon