Chapter 13. "Something's wrong"

1.3K 41 1
                                    



"Witwew! Ganda natin ah. Saan ang date natin bunso?" binangga ako ni kuya kaya muntik na akong masubsob sa sofa.



"Hindi ka kasama!" singhal ko sa kanya saka pinagpatuloy yung pag susuot ko ng doll shoes ko. Mabilis rin akong lumabas ng bahay bago pa ako paulanan ng tanong ni kuya. Sabado pa naman ngayon baka hindi ako palabasin ng bahay. Palingon-lingon ako sa paligid. Naaasiwa pa naman ako dito sa suot ko. Oo Tyler, sinuot ko yung red dress. Pasensiya na talaga pero feeling ko dapat ko talaga siyang suotin. Ewan ko rin kung bakit eh hehehe. Namataan kong paparating si Berto pero huli na ang lahat kaya nakita niya ako. Kita ko tuloy kung paano lumuwa ang mata niya dahil sa ganda ko.



"Hanep! Anong trip mo Cecelia?" as usual nang-aasar na naman si Regoberto. Inirapan ko siya. Kailangan kong humanap ng palusot nito.



"Pupuntang school. Bakit hindi pa pwedeng magsuot nito? Babae ako noh!"



"HUWAAATTT?" humagalpak siya ng tawa. "Saan banda? Hahaha" napangiwi ako. Bwesit na kaibigan to. Nagmartsa ako palayo sa kanya.



"Oy sama ako." Humabol siya sakin pero hindi ko siya nilingon.



"Pupunta kang gym?"



"Hindi."



"May practice sila ngayon. Kaw ha, ka manager mong tao hindi ka updated sa mga schedule ng team mo. Tsk! Hindi ka efficient. Nahiya naman ako sayo!"



Mabilis akong huminto at inundayan siya ng suntok sa sikmura. Hayun! Napaluhod siya.



"Ce. . . Cecelia naman. . ang sakit. . ."



"Isa pa! Subukan mo kundi magkakape na ako sa inyo." Kinurot ko pa ang namumula niyang tainga. Napa aray siya ng bongga ng hinila ko yun patayo. Gusto niyang sumama diba? Eh di go! Isasama ko ang tainga niya. Umakbay siya sakin ng dahan-dahan.



"Sorry na. Bitaw na. Ang sakit Cecelia. Sasama na ako." Nakanguso pa siya. Hindi siya gumwapo noh, mas nagmukha siyang asong kalye.



Pagdating namin sa harap ng gym nag atubili ako kung papasok ba ako. Heller! Malamang nandiyan si Sebastian at makikita niyang suot ko'tong red dress. Naman oh.



"Punta muna akong quarter. Bye." Kumaripas na ako ng takbo bago paman maka palag si Berto. Pero sana pala hindi nalang ako pumunta sa quarter dahil mukha ni Sebastian ang bumungad sakin pagbukas ko palang ng pinto. Bigla akong nahihiya na ewan. Basta hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Mabilis nalang akong tumalikod pero napahinto ako ng magsalita siya.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon