Chapter 25. "Breaking apart"

1.4K 33 5
                                    


"Talaga sakin na'to? Walang bawian ah" humalakhak pa si Berto habang tinitigan ang phone sa kamay niya. Adik!



"Wag mong ibebenta yan ha. Lagot ka sakin!" pagbabanta ko pa sabay turo sa noo niya. Mabilis siyang tumango saka nagkalikot agad sa phone. Napangiti ako. Binigay ko kasi sa kanya yung Iphone 6 na gamit ko. Bakit? Wala lang, trip ko lang.



"Asus! Kaya naman pala naging galante. Pero salamat dito! Ayos! May pang chicks na ako. yuhoo!" naghihiyaw pa siya kaya sinapak ko. "Brutal ka pa rin? Ano ba yan!"



"Chee! Saka pwede wag kang pa obvious na ignorante ka. Umayos ka!"



"Yes boss!" at tumahimik na siya habang busy sa pagkalikot sa phone niya. Napatingin ako sa phone ko kasi wala pa ring text si Sebastian.



Diba nga binato niya sa dingding yung phone niya? At dahil mayaman naman siya kaya bumili ulit siya. Sapilitan niya akong dinala sa mall kasi bibili siya ng bago na ang ending dalawang phone ang binili niya, couple phone daw sabi pa niya. Juiceko! Muntik pa akong masuka sa presyo. 45 thousand! Animal! Binila niya ng walang ka gatol-gatol! Napaisip tuloy ako na sana suhulan niya ako sa pagiging laruan niya. Pwede naman yun diba?


Kaya heto, yung luma ibigay ko nalang daw kay Berto. Yaman talaga!



"Cecelia." Napalingon ako sa nagsalita. Takte! Si Sasha. Napalingon ako kay Berto pero busy pa rin siya kaya wala akong nagawa kundi ngumiti nalang sa kanya. Nandito kami sa cafeteria dahil hinihintay namin ang buong team para sa finals na parating. Umupo si Sasha sa tabi ko kaya bahayga akong nalula kasi hanggang ngayon palaisipan parin sakin kung ano na ngayon si Sasha sa buhay ni Sebastian.



Abah dapat ko yung malaman noh! Baka kasi may maitim na naman siyang balak. Alam niyo na may saltik sa ulo ang magandang babaeng to. Obsessed pa ata kay Sebastian.



"I just want you to know na wala akong balak na siraan si Perry sayo. But I think you deserve to know." Bahagya akong kinabahan sa sinabi niya. Gusto ko siyang lunurin sa sabaw na inorder namin ni Berto eh. Alam ba niya ang tungkol sa plano ni Sebastian? Magkasabwat ba sila?



"Someone's returning kaya maghanda ka na. But I just hope that you won't take that against to Perry kasi ginawa niya lahat para lang hindi ka mag mukhang tanga. Just prepared okay?" she fake a smile and walks out. Ano yung pinagsasabi niya?




Buong araw para akong lutang dahil sa sinabi ni Sasha. Idagdag pa na sobrang busy na namin dahil sa nalalapit na finals. Alam ko sa sarili kong ginawa ko ang lahat para maging normal ang pagsasama namin ni Sebastian kahit pa mas maraming sigawan moments kaysa sa mga intimate happenings pero okay lang kasi yun naman talaga ang dapat.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon