"Sebastian ano ba?" bulyaw ko sa kanya dahil bigla niyang hinablot ang tali sa buhok ko. Naiinitan ako kaya ayuko ng nakalugay.
"Mas bagay sayong nakalugay lang." ngumisi pa siya kaya napaikot ko ang mata ko.
"Mainit nga kasi. Akin nayang tali. Bilis!" Mabilis siyang napalayo sakin. "Sebastian! Kita mong busy ako oh. Paano ko'to matatapos kung kinukulit mo'ko?"
"Paypayan nalang kita." Bigla siyang naglabas ng makapal na notebook at pinaypayan ako. "Anong gusto mo? Number 1?" mahina niyang winagayway ang notebook. "O number 2? Ay number 3 na lang." Tumayo siya saka parang baliw na pinaypay sa pagmumukha ko ang notebook. Sa sobrang lakas ay lumipad halos lahat ng important files na sinusulat ko.
"BWESIT KA!" binato ko sa kanya ang bottled water sa harap ko. Shit! Nanggigigil na talaga ako sa lalaking to. Biglang tumakbo sa harap ko si Andrie bago ko pa mahablot ang buhok ni Sebastian.
"Halika ka dito bwesit ka! Wala kanang ginawang tama." Pinilit kong abutin si Sebastian pero hinaharang ni Andrie yung katawan niya.
"Easy Manager! Tol naman kasi ang kulit mo!" sita ni Andrie. Pero ang hinayupak na Sebastian tumawa lang saka pinaikot-ikot ang notebook sa kamay niya. Mas lalong nag-init ang ulo ko dahil kinindatan pa ako ng loko.
"Bwesit ka talaga!" Dinuro ko siya. "Humanda ka sakin. Hindi ako mag papahatid sayong kutong lupa ka." I saw how his smile slowly fading as I say those words. "Bitawan mo'ko Andrie." Winaksi ko ang kamay niya saka pinulot yung mga papel.
God! Ma ha- high blood ako sa lalaking yun. Mag-iisang lingo na simula nung naging kami at nasisindak ako sa pagiging clingy niya. He's way too immature in his appearance, too sweet in his own words. Na bwe-bwesit ako sa pagiging showy at touchy niya. Tulad ngayon, sobrang busy ako sa isang project namin sa chemistry at wala akong ibang vacant time kundi itong oras ng pag pa-practise nila. Since I am the manager, sympre kailangan ko paring gawin yung responsibility ko. Pero the heck! Ginugulo ni Sebastian ang pundasyon ko sa buhay. Para siyang na obsessed nalang bigla at ayaw na akong pakawalan. Gosh! Mamamatay ako ng maaga sa kanya eh.
"Palagi nalang ganito. Palagi nalang. Hindi ba siya pwedeng manahimik kahit isang oras lang. Bwesit!" Maktol ko at isa-isang pinulot yung papel. Nakita kong humakbang siya palapit sakin pero ayuko na siyang tingnan dahil maiinis lang ako lalo. Naramdaman ko nalang na hinawi niya ang buhok sa likod ko.
"Ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo!" Hindi na ako nakapagsalita ng sinimulan niyang suklayin ang buhok ko gamit ang kamay niya. Namalayan ko nalang na tinalian na niya yung buhok ko. Hindi mahigpit pero hindi rin naman maluwang. Saktong-sakto lang.
"Importante ang ginagawa ko kaysa sayo kaya wag kang magulo." Umupo ulit ako saka sinimulan ulit mag sulat. Umupo rin siya saka pinaypayan ulit ako. This time, mahina lang, yung saktong-sakto lang para maging maginhawa yung feeling ko. Napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
JERSEY No. 6 (Completed)
Teen FictionLove Letter Series#1 "When you stop chasing the wrong one, you give the right one a chance to catch you!" TEASER Bog. . bog. .bog Kasabay ng pag palpitate nang walang humpay nitong puso ko ay ang pag talbog-talbog ng basketball na dribble mo. Wag mo...
