Chapter 32. "Just you and me"

1.2K 30 3
                                    



"Sebastian?" napatayo ako sa gulat nang makita ko siyang hinihila ni Andy papunta sa gitna. Kahit sina Andrie ay nahinto rin ng makita siya. Anong ginagawa niya dito?



"Panalo ako kuya RB" nagtatalon si Andy habang tinutulak si Sebastian palapit kaya Berto. Napatingin naman sakin si Berto na halatang nagulat rin. Naramdaman ko na lang yung hawak ni Tyrone sa may balikat ko kaya napalingon ako sa kanya.



"Invited pala siya. Na late lang!" natatawa pa niyang saad. Putragis! Pwede bang kahit isang beses lang wag na muna siyang tumawa kahit ngayon lang? Napaligon ulit ako kay Sebastian na ngayon ay nakaupo na sa harap ni Andy at may binigay siya sa bata kaya nagtatakbo ito na Masaya.



"May humabol sa chibugan! Cecelia si Tyler oh." Ngali-ngali kong ibato kay Berto ang high heels ko. Kailangan talaga ipagsigawan niya sa microphone ha? Kainis! Nilapitan pa niya si Sebastian at dinala dito sa table. Natural, na out of balance ang beauty ko dahil ang tagal niyang hindi nagparamdam. Parang multong bigla nalang susulpot.



"Perry! Ayos nakarating ka tol." Narinig ko si Andrie na naghihiyaw habang niyayakap siya. Yung iba naman parang ngayon lang rin nila nakita si Sebastian. Bakit? Saan ba nagsusuot ang lalaking to at parang na miss siya ng lahat?



Siniko ako bigla ni Tyrone at inalalayang maupo sa table. Langya! Magkaharap pa kami ngayon. Sobrang nag-iingay na ang buong team samantalang ako parang na impasto na dito sa inuupuan ko. Sebastian was just setting there pero busy naman sa phone niya. Pero what was shocking is makita kong may mga pasa ang mukha niya, kahit yung kamay niya.



Sebastian, ano bang nagyayari sayo?



"Gusto ko siyang kausapin." Narinig kong bulong ni Tyrone. Takte! Nasa tabi ko lang pala siya at mataman ring nakatitig lang kay Sebastian.



"Kausapin mo." Diretsong sagot ko. Nagkamot naman siya sa batok niya.



"Pero paano?"



"Mag-isip ka!"



"Cecelia naman eh." Napairap ako sa kakulitan niya. Umayos nalang ako ng upo at humarap sa kanya. Hinawakan ko pa ang ulo niya.



"Kausapin mo na siya para matapos na lahat. Kayo na lang ang walang closure!" pasimple akong lumingon kay Sebastian pero nag-iwas agad ako ng tingin. Animal! Nakatingin siya sakin! Pero mas nagulat ako ng mapansin kong biglang tumayo si Sebastian at naglakad sa gilid ko. Akala ko lalampasan lang niya ako pero napaiktad ako ng huminto siya sa mismong harap namin ni Tyrone.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon