Chapter 14. "Making choices"

1.3K 41 8
                                    



Hindi ko alam kung paano natunton nila Andrie ang bahay namin kasi naman paglabas namin ni Berto sa bahay eh naghihintay na ang kotse ni Andrie. Kasama niya si Larry at isang magandang chicks.



Yung red dress nalang din ang sinuot ko total hindi pa naman nila nakita to saka ito lang din yung disenteng dress na meron ako. 6 pm daw yung party kaya quarter to 6 eh nandito na kami sa labas ng village nila. Kumapit nalang ako ng mabuti kay Berto kasi parang kinabahan ako bigla. Buti nalang talaga at maayos ang suot nitong bestfriend ko. Aba! Naka sky blue na long sleeve siya. He just slightly rolls the sleeve hanggang sa siko tapos naka fitted pants siya. Jusko! Muntik ko na nga siyang hindi makikila eh. Gwapo talaga tong bestfriend ko pag nabibihisan ng maganda.



Ang dami ng tao sa paligid. Naman oh! Sana talaga hindi nalang ako sumama sa kanila eh. Dumiretso kami sa loob kaya agad akong sinalubong ng mommy ni Sebastian.



"Cecelia! I'm glad you came. Come here." Hinila niya ako paupo sa sofa. Nakaka intimidate talaga ang beauty ni tita. Pinaupo ko rin si Berto sa tabi ko na na star truck kay tita. Sabi ko na eh.



"Do you see Tyler? Where is he?" palinga-linga si tita. Nalibot ko tuloy yung paningin ko sa paligid pero hindi ko siya nakita.



"Oh. Baka nandun lang sa barkada niya. Fell at home iha and. . ." tumingin siya kay Berto.



"Tita si RB po. Kababata ko po." Pakilala ko kay Berto. RB kasi talaga ang palayaw niya, short for Regoberto kaya lang mas sanay akong Berto ang tawag sa kanya. Ngumiti naman si Berto kay Tita.



"Nice to meet you RB." Ngumiti si Tita sa kanya kaya kitang-kita ko ang pagpapa cute ng tukmol. "Maiwan ko muna kayo ha. Wag kayong mahiya. I will just entertain some guest." Humalik si Tita sa pisngi ko saka nagmadaling umalis. Napaligon ako sa paligid. Kahit sina Andrie wala na pala dito eh.



"Cecelia, nasa garden sila oh." Nasundan ko ang hintuturo ni Berto na nakatutok kina Andrie na nasa labas na pala.



"Pupunta ba tayo?" tanong ko na lang. Eh kasi naman para akong natatae na ewan dito. Hindi ako sanay. Bigla niya akong hinila patayo.



"Sa labas nalang tayo. Nakakahiya sa tita mo. Grabe sobrang ganda." Ngumisi pa siya. Napapa iling tuloy ako.



"Manager come here. Nandito sila." Sinalubong ako ni Zeus at hinila ako palapit sa kumpulan ng mga lalaki. Pero natuwa ako kasi buong team pala ang nadito. Ayos! May kakampi ako. Pumuwesto kami ni Berto sa gilid. Hindi naman siya madilim dahil sobrang dami ng ilaw. May naglagay ng pagkain sa lamesa namin kaya ang saya ni Berto. Napuno rin ng kwentuhan yung table namin kasi puro sila halakhakan. Napansin ko lang na walang masyadong bisita na babae sa school namin. Pwera lang dito sa kasama ni Larry. Ang nakikita ko lang ay mga dalagita. I think they're 14 or 15 year old something. May mga bisita ring kasing edad ni tita pero walang kasing edad namin.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon