Chapter 28. "It's okay, that's love"

1.4K 31 18
                                    



Kinakabahan ako habang nakatitig sa kanya. He's just smiles at me. Anong klaseng tao ang lalaking to? Pero unti-unting nawawala ang ngiti niya.



"Oy! Wag kang mag-isip ng masama ah. Sinasabi ko lang sayo para maintindihan mo lahat. Saka ayuko nang magsinungaling sayo kaya ko sinasabi sayo lahat."



Napabuga ako ng hangin sa narinig. Lang'ya. Sobrang honest niya na natatakot ako sa kung anong lalabas sa bibig niya. Heller! Ang hirap eh decipher sa utak ko ang pinagsasabi niya.



"Fine!" tinaas ko ang dalawang kamay ko. "Sabihin mo na lahat para matapos na'to kasi nakakagulo ka na sa utak."



"Okay." Nakangisi niyang saad. "Saan na nga ulit ako?"



"Aish! Ako ba pinagloloko mo?"



"Joke lang! To naman hindi na mabiro. So yun nga, gusto kong kunin yung natitirang pag-asa para makapasok sa pinapangarap kong school. Mahirap ako eh kaya hindi kaya ng parents kong pag-aralin ako. Idagdag pa ang sandamakmak na bagsak. Tsk! Bakit kasi ang bobo ko?" nagkamot siya sa batok.



"Anong ginawa mo?" tanong ko na lang. Masyado nang lumalawak yung nalalaman ko sa kanya. Biruin niyo, wala pa kaming isang oras dito pero ang dami ko nang alam sa kanya. Kay Sebastian nga umabot pa ng 3 months relationship plus 2 months since we met pero wala pa rin akong alam sa kanya.



"Nagkaroon ng try out sa isang sikat na basketball team. Sympre, gusto kong makuha yun. Sabay kaming nag try out pero siya lang yung nakuha. Kaya ginamit ko yung trick na madalas naming ginagawa kapag dinadaya namin yung mga kalaro namin dati."



"Kinakabahan ako sayo." Bigla kong sabi. Eh sa kinakabahn talaga ako sa susunod niyang sasabihin eh lalo pa't kasali si Sebastian sa mga happenings ng buhay niya. Bumunghalit naman siya ng tawa saka sumandal siya sa sofa. Nag inat-inat pa siya saka muling tumitig sakin.



"Inaantok ka na?"



"Paano ako makakatulog eh ginulo mo na ang utak ko? Magsalita ka na. Wag mo'kong bitibitin kundi kukunyatan kita ng malupit."



"Brutal mo naman!" nakangusong saad niya. Litse! Kung si Berto nagmumukhang aso pag ngumunguso, siya nagmumukhang model na may pouty lips. Sarap niyang pilipitin sa leeg.



"Higa tayo dali." Bigla niya akong hinila at sapilitan na pinahiga sa sahig. "Naku! Malamig pala. Tayka sandali!" mabilis siyang naghalungkat sa bag niya at naglabas ng isang pulang jacket. Ilalatag na sana niya ng biglang lumabas si Mama na may dalang makapal na comforter. Lumuwa ang mata ko kasi nilatag ni mama yung mamahalin niyang comforter galing japan. Ni hindi pa nga nagagamit yan eh kasi ayaw daw niyang labhan.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon