Chapter 34. "Love will lead you back"

1.1K 25 4
                                    


"Bye." That was the last word he said saka siya mabagal na sumampa ulit sa motor bike niya.



"Tyrone. . ."



"I'm okay! Sanay na ako." Nagkamot siya sa batok saka ngumiti. Pero hindi eh. Sobrang lungkot ng ngiti niya. Walang lingon-lingon niyang pinaandar ang motor bike at umalis na. Napabuntong-hininga ako. Napalingon ako sa paligid at sobrang tahimik na ng gabi. Matamlay akong pumasok sa bahay buti nalang hindi naka lock. Mangiyak-ngiyak akong pumasok sa kwarto ko saka pasalampak na umupo sa kama.



"Cecelia ang sama-sama mo!" paulit-ulit kong usal hanggang sa lumakas ang iyak ko. Pinilit kong pagaanin ang loob ko pero sobrang bigat talaga eh. Paano na ngayon to? Bakit parang hindi ako masaya sa naging decision ko? Dapat ko na ba yung bawiin kasi parang nahihirapan na ako? Diba sabi nila, magiging masaya ka pag tama ang decision mo, pero tama nga ba yun gayong may nasasaktan akong isang tao?



"Tsk!" nanigas ako sa narinig. May narinig ako eh. Nagawa kong punasan ang mata ko saka mabilis na humarap sa likod ko.



"Sorry!" nawala na ako ng tuluyan sa katinuan dahil bumulaga sa harap ko si Sebastian at mabilis akong niyakap. "I'm here and I'm not gonna leave you this time." Mas humigpit ang yakap niya at isinubsob ang mukha sa leeg ko. Lang'ya! Ang dami niya talagang alam.



"Apology accepted. Bitaw na." Nasabi ko na lang pero hindi naman siya gumalaw.



"Sebastian."



"Okay!" then he let go. Mabilis akong humarap sa kanya. Prenting nakaupo na siya ngayon sa kama ko hawak-hawak ang gilid ng labi niya. Gusto ko siyang sumbatan kung ano na namang ginagawa niya dito, kung ano na namang pumasok sa kukute niya.



"Shut up Cecelia! Masakit ang ulo ko." Napabuga ako ng hangin sa sinabi niya. Nakanguso pa siya. Hay! Si Sebastian nga talaga siya. Gustohin ko mang paulanan siya ng sampal eh mabilis na lang akong nagtungo sa pinto.



"Oy! Lalabas ka?" hinila pa niya ang damit ko.



"Ay hindi! Papasok ako. . . sa labas!"



"Maldita!" madiing bulong niya sabay tulak sakin. Natural, hinampas ko siya sa balikat saka ako nag martsa palabas. Kumuha ako ng yelo at ice pack para sa mukha niya. Pagbalik ko sa loob eh nakahiga na siya. Take note, nakapikit na siya plus naka kumot pa.



"Seb?" bulong ko pero hindi siya gumalaw. Dumukwang ako sa kanya. Takte! Nakatulog na ata. Kinuha ko na lang yung upuan ko saka pumuwesto sa harap niya.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon