Chapter 41. "Nice to meet you"

922 27 0
                                    



"Tara na!" tulak sakin ni Berto.



"Hindi! Kayo na." Tulak ko rin sa kanya.



"Aish! Tayo na lang tatlo!" at hinila kaming dalawa ni Tyrone. Nag pumiglas ako pero nakisali si Berto sa paghila sakin. Kaya ang ending eh napa gitnaan nila ako habang papunta kami sayo na nakayuko sa gilid ng malaking kahoy sa gilid ng field. Ilang beses na namin tong pinlano pero ilang beses rin kaming napatakbo dahil hindi namin kayang makaharap ka.



Nakayuko ka lang naman habang busy sa phone mo. May earphone ka pa nga sa tainga mo eh. May mga bumabati naman sayo pero hindi mo sila pinapansin at nakayuko ka lang talaga diyan. Hindi rin kita nakita kailanman na may ibang kausap bukod kay Sasha. Kahit sina Andrie ay hindi mo hinahayaang makalapit sayo kaya hindi ka na rin nila pinakialaman pa.



Yun nga lang pini-pressure na ako ni coach kung kailan ka babalik ulit sa team. Gusto ka daw niyang makausap kahit sandali lang. Kaya heto kami ngayon at naglakas loob na kausapin ka na kasi 1 week na. Oo, 1 week na ang nakalipas kaya sana makisama ka naman. Hindi lang ikaw ang nahihirapan kala mo lang.



"Ahem!" pagsisimula ni Tyrone. Napatingin kaming dalawa ni Berto sa kanya kasi yon talaga ang introduction niya? Yong totoo! Argh!



"Ahem!" this time napatingin na kami sayo kasi mas malakas na yong pekeng ubo ni Tyrone. Surmaryusep! Nasa tabi mo na kami pero hindi ka man lang nag angat ng tingin. Bingi ka na nga siguro noh?



"Ako na. Leave it to." Tinapik ako ni Berto. Ganon na lang ang paglaki ng mata ko ng umupo siya sa tabi mo. Shocks! Tatakbo na ba ako?



"Wazzup tol!" tinapik ka niya. Parang gusto kong mag evaporate ng unti-unti kang nag angat ng tingin. Juice ko Lord! Ang gwapo mo Sebastian! Pwedeng pa kiss. Bwesit!



"Tyler? Ikaw ba yan tol? Hanep! Long time no see captain!" naghihiyaw si Berto at nakipag aper sayo. Nakatitig ka lang sa kanya. Kinuha na lang ni Berto ang kamay mo at pinag aper sa palad niya.



"Gwapo natin ha. Kumusta ka na? Nga pala. . ." tumayo bigla si Berto saka hinila ako. Wala na akong nagawa ng maka pwesto ako sa mismong harap mo. Grabe yong kaba ko, sobrang lakas na feeling ko naririnig mo na rin yon. Lang'ya ka Sebastian! Paano mo nagagawa saking maging ganito?



"Sige na." Bulong pa ni Tyrone sakin. Bwesit na talaga! Hinila ulit ako ni Berto kaya napalapit na talaga ako sayo. Pero lintek! Hindi ka man lang nag angat ng tingin sakin. Nakayuko ka lang at busy ulit sa phone mo. Gusto mo bigwasan kita kahit isa lang? Yong pinaka malupit para ramdam mo!



"Si Cecelia at Tyrone nga pala. Close kayo diba?" pinanlisikan ko ng mata si Berto. OA na siya eh. Ngumisi lang siya with matching peace sign. Hunghang!

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon