Chapter 42. "Embracing one more chance"

1K 26 0
                                    


Ilang tulak, ilang sapak, ilang sabunot ang natanggap ko kay Regoberto Jr. Bakla ata tong bestfriend ko eh. Sinugod ba naman ako sa bahay at binubungangaan ng bonggang-bongga. Ako? Nakangisi lang naman sa kanya. Eh sa kinikilig ako eh bakit ba? Aba dapat lang noh. Nag text ka sakin, nag reply ako. Pero hanggang ngayon wala ka ng reply. Pero kahit na, achievement na yon eh.



Oy! Nag text ka. Hindi mo rin ako matiis noh. Humanda ka talaga sakin Sebastain (insert evil laugh here). So, heto ako ngayon masayang naglalakad ulit sa campus at hinahanap ka na naman. Ikaw lang ata ang plano kong puntahan dito ngayon eh. Bahala na.



Dumiretso ako sa quarter. Pero muntik na akong mapasigaw dahil bumulaga ka sa harap ko. Totoo! Nagkasalubong tayo sa pintuan ng quarter. Papasok ako, palabas ka.



"Anong ginagawa mo dito kuya?" ayan agad ang tanong ko. Well, pangatawanan na yong kuya thingy kasi parang sweet eh.



"Ahmm." Nag li-likot ang ata mo sa ilalim ng salamin. Putek! Bakit ba ang gwapo mo sa bagong mata mo ha. Halikan kita diyan eh.



"May kailangan ka kuya?"



"Wala." Then naglakad ka na. Napatawa ako. As in tumawa talaga ako kaya napalingon ka sakin at napailing ng ilang ulit. Mehehe. Wala pa nga akong ginagawa para sa panibagong operation eh pero kita niyo naman may nangyayari na. Let's just call my new adventure as Operation: Bring back the Love. Kyaaahh! Napapadyak ako sa kilig.



"Hoy!"



Napahawak ako sa ulo ko. Bwesit. Ang sakit ha. Pero umayos ako ng tayo at nginitiian si Tyrone. Maganda ang araw ko eh kaya dinadamay ko siya sa happiness ko. Napakunot ang noo niya.



"May maganda bang nangyari sayo?"



"Guess what?"



"Honor ka? Sa wakas! Congrats." Naghihiyaw pa siya. Sinapak ko siya sa ulo. Ulol!



"Benta ng jokes mo." I sarcastically laugh. "Nag text si Sebastian sakin kagabi. Oy! Selos siya. Nyaakk!" sundot ko sa pisngi niya kaya mas lumukot ang mukha niya. Napatawa na naman ako saka isinukbit ko ang kamay ko sa braso niya.



"Congrats to me." At hinila ko siya papasok ng quarter. Sambakol pa rin ang mukha niya kahit nakaupo na siya sa sofa. Oh come on. Mabilis na lang akong tumabi sa kanya saka niyakap ang baywang niya. Bakit ba, close kami eh. Alam ko namang hindi dapat pero ito lang kasi ang alam kong pampalubag loob sa kanya eh.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon