Chapter 20. "Hurting without knowing"

1.3K 31 2
                                    



Kailan ba ako masasanay sa mga matang naglilipana sa paligid ko? Those bitchy looks, arrogant smirks at walang katapusang chismisan ng mga hipon dito sa mundo? Gosh! Hindi niyo ba matanggap na ako ang girlfriend nng lalaking pinapantasyahan niyo? Eh di maglaway kayo! Bwahaha! Maiinggit kayo habangbuhay!



Here I am with Sebastian. Naglalakad lang kami papasok ng campus na as usual bitbit niya ang bag ko. Abah dapat lang noh! Naka akbay naman siya sakin pero hindi siya nagsasalita. Tahimik lang kaming dalawa habang pinag lalamayan na ng mga babae ang nasawi nilang mga puso. Napa face palm ako. Kaya ko ba talaga ang ganitong set-up? My God! Sakit sa bangs!



"Where's Berto?" Nakahinga ako. Sa wakas, nagsalita na siya. Mabilis akong lumayo sa kanya. Hinila naman niya ako agad kami naka akbay ulit siya. Akala ko makakatakas na ako.


"Where is he?"


"Isasauli mo na ba ako sa kanya?" magiliw na saad ko. Nag pa cute pa ako. Pero takte! Sinamaan niya ako ng tingin saka dinuro ang noo ko.


"Tsk! Akin ka! Tandan mo yan."


"Kikiligin na ba ako?" I put my hands at my cheeks saka umakting na nanginginig. Mabilis niya akong naitulak palayo saka hinila ang pisngi ko.


"Hindi ka cute." Napapailing pa siya ng ilang ulit. Napanguso ako with matching puppy eyes. Nanlaki tuloy ang mata niya saka tinulak na talaga ako palayo.



"Don't do that again!" aligagang napapatingin siya sa paligid. Pero mas tinudo ko ang pagpapacute sa harap niya na halos maduling na ako sa pagkukurap sa mata ko.


"Shit!" I heard him curse saka pwersahang hinila ang kamay ko kaya halos mawindang ang kaluluwa ko ng sa isang iglap ay halos magdikit na ang mukha ko sa kanya.


"Don't do that to anyone." Hindi na ako nakagalaw ng kabigin niya ako kaya napayakap na ako sa kanya. "Unless, ako ang nasa harap mo."



"Kinikilig na talaga ako." Nasabi ko bigla kaya napatawa siya. This time ako naman ang tumulak palayo sa kanya. "In your dreams! Bleeh!" inirapan ko siya saka hinablot ang bag ko. Mabilis akong tumakbo ilang hakbang palayo sa kanya. Nakapaywang akong humarap sa kanya.



"Neknek mo! Hindi ka deserving sa kilig syndrome ko. Hmp!" Inirapan ko siya saka nagmatrsa ako papasok sa classroom namin. As usual, sambakol ang mukha ng mga classmate ko. Napaikot ko ulit ang mata ko. Oh come on! Ngumisi ako sa kanila at taas noong umupo sa tabi ni Berto.



"Ang bibig isarado. May langaw oh." Naitikom niya agad saka napalunok na tumitig sakin. Naku! Ito na naman po tayo. Mabilis ko siyang inakbayan.


"Ilang million ang sinuhol ni Sebastian sayo?"


JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon