Chapter 9. "Friend Request"

1.7K 46 2
                                    



"Berto ah, hinay-hinay naman!"



"Sabi namang kargahin nalang kita ayaw mo pa."



"Kaya ko naman kasing maglakad oh." Binitiwan niya ako bigla kaya napatili ako. "Berto eh"



"Kaya mo ha? Kaya mo?" kanchaw niya sakin. Naka pamaywang pa siyang pinandilatan ako. Gusto ko siyang hablutin pero hindi ko siya maabot. Nakakainis! Mala-late kami nito eh. May stretcher naman ako kaya lang hindi ako masyadong marunong kaya natutumba ako pag walang alalay. Lumapit naman siya saka hinawakan ang baywang ko.



"Nagmamaganda pa kasi hindi naman bagay. Tara na!" maktol niya kaya hinampas ko siya sa braso. Ngumisi lang naman siya. Hay naku! Halos 15 minutes bago kami nakarating sa room namin. Pinagtitinginan pa ako ng mga babae kasi naman trending na naman ang mga picture namin ni Sebastian. Nagkalat lang kasi sa hall way ang mga picture namin. Okay sana kung ikaw yun diba? Magiging proud pa ako kaso nga si Sebastian yun, abnormal at mongoloid.



Naku Tyler, nanggagalaiti ako diyan sa katukayo mo eh. Diba nga kagabi eh hinatid niya ako tapos may konting misunderstanding. Abah naman! Hindi ako masyadong nakatulog kakaisip sa kanya. Sorry Tyler pero yun kasi ang totoo eh. Naaalala ko lang kasi yung mga titig niya sakin bago siya umalis ng bahay. Those cold eyes, it's as if he wants to say something. Yung tipong galit pero nalilito. Yung tipong nasasaktan, nagtatampo, parang iiyak. Totoo Tyler yun talaga ang mga nakita ko sa mga mata niya. Wierd nga eh! Ah ewan ko sa kanya. Nakakainis siya!



Buong morning period nasa tabi ko lang si Berto. Hanep! Naging instant prinsesa ang beauty ko! May silbi rin naman pala tong pagkakapilay ko haha. Si Berto kasi ang nag-aasikaso sakin eh! Pag ka lunch break nagbaon nalang siya para daw hindi na ako mahirapan pang pumunta sa cafeteria. Oh diba ang bait!



"Paano ba yan Cecelia, may klase ako mamaya. Hindi kita mababantayan." puno ng kanin ang bibig niya pero naiintindihan ko pa rin siya. Sanayan lang yan!



"Sa quarter na lang ako tatambay."



"Wala ka ng klase?"



"Mamayang 5 pm pa eh 2 pm ang practise nila. Tutulog na lang ako dun." Inabutan niya ako ng tubig kaya mabilis kong ininom yun.



"Okay! Tawagan mo na lang ako pag may kailangan ka." Muntik na akong mabilaukan sa narinig. Kumindat pa siya sakin kaya napaismid ako.



"Excuse me! May cellphone ka na?" napasigaw ako. Nagkamot naman siya ng ulo.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon