Hindi ko na hinintay si Berto at nauna na akong pumasok sa school. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sayo eh. Pero wag kang mag-alala okay na ako. Sobrang busy na ng lahat dahil next week na yung foundation. As usual okay naman ang klase ko at nakikipag harutan parin naman kami ni Berto kahit papano. Bandang hapon okay na sana ang buhay ko eh kaya lang pagdaan ko sa cafeteria feeling ko sakin nakatingin halos lahat ng tao sa loob. Particular ang isang grupo ng mga babae including Sasha.
"Hi Cecelia." Punyeta! Bakit ba ang ganda niya? Lord naman! ang unfair ha.
"Hello." Ngumiti ako saka nag excuse na. Ayuko ngang makipag friendster sa kanila. Allergy ako sa mga maaarte dahil hindi kami ka level. Pero muntik na akong mabunggo sa mga babaeng humarang sakin.
"So ikaw pala ang manager?" isang payat na babae ang nagsalita. She looks like Kathryn Bernado but in a diet mode. Naman! Lahat ba ng babae dito magaganda? May tatlo pang mga babae sa likuran niya at halatang mga sosyalera dahil sa damit at makeup. Nahiya naman ang skinny jeans ko sa outfit nila.
"Oh I see!" tinaasan pa niya ako ng kilay. Lang'ya! Kasalanan to lahat ni Sebastian eh. Kung hindi niya ako inakbayan dun sa meeting walang ganitong commotion. May nilabas siyang isang poster at iniharap sakin.
"You're such an eyesore!" Literal na lumaki ang mata ko. Know what Tyler! Ang ganda ko sa picture. hahaha.
"Patingin." Inagaw ko ang poster. Yun oh! ang ganda ko talaga. Ito yung kuha ng isang student photographer samin kahapon habang nag pa-practice sila. Nasa harap ako may dalang folder tapos katabi ko si Sebastian sa leftside ng naka cross arm while Andrie on my right ng nakapamaywang. The other players are on both sides na may kanya-kanyang hawak na bola.
"THE RED LIONS BASKETBALL TEAM" Ang lawak ng ngiti ko. Teary eyed ako promise! Ang galing lang kasi kasali ako sa poster. Ngayon lang ako naging proud na ako ang manager nila. Sarap pala sa feeling.
"Give me that. You're a flirt." Muntik ng mapunit ang poster sa biglang paghablot niya. Pero mas natigigilan ako ng pagpupunitin niya ito sa harap ko.
"Oh napunit! My bad." Nagtawanan ang ibang estudyante nang sa mukha ko tinapon ang punit-punit na poster. Ah ganun! Gusto niya ng gagohan ha. Pinulot ko lahat ng papel at mabilis na tinapon sa mukha niya. I heard everyone gasped.
"Oh kala ko kasi basurahan ka. Ang make up kasi wag mong ubusin sa pagpapa ganda ng mukha mo, magtira ka naman para sa ugali mo. Echosera!" at nag walk out na ako. Narinig ko pang nagpalakpakan at nagtawanan yung iba tsaka yung pagsigaw nung babaeng yun. Huh! Kala ata niya matatalo niya ako eh ako si Cecelia Christina Calumpit, ang reyna ng pangbubully nong highschool. But don't get me wrong Tyler, ako kasi yung madalas napapaway noon kasi hindi ako nagpapatalo kaya walang kumakalaban sakin, si Berto lang.
BINABASA MO ANG
JERSEY No. 6 (Completed)
Ficção AdolescenteLove Letter Series#1 "When you stop chasing the wrong one, you give the right one a chance to catch you!" TEASER Bog. . bog. .bog Kasabay ng pag palpitate nang walang humpay nitong puso ko ay ang pag talbog-talbog ng basketball na dribble mo. Wag mo...
