Chapter 35. "The Daily Dose of C3"

1.1K 24 2
                                    



Wala na akong nagawa nang ikarga ni Sebastian sa kotse niya ang dalawang maleta ni Tyrone. At wala akong maintindihan nang sapilitan niyang itulak si Tyrone papasok sa kotse niya.



"Cecelia, sasama ka o hindi?" sigaw niya. Nataranta ako.



"Tayka sandali lang." Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at hinablot ang shoulder bag ko. Nahagip ko pa ang journal ko kaya mabilis akong sinuksok yun sa bag. Halos takbuhin ko na ang kotse ni Sebastian at mabilis na sumakay. The F? Parang mas naging kumplikado ang sitwasyon. Titira sa isang bahay si Tyrone at Sebastian? Takte! Dadanak ang dugo!



Napatigin ako kay Tyrone sa review mirror. Naka cross arm lang siyang nakatingin sa labas. Walang emosyon ang mukha niya. Nang bigla siyang tumingin sakin. I tried to smile pero nag-iwas lang siya ng tingin. Napayuko ako. Shet naman oh! Sa isang iglap nagbago na si Tyrone.



Mabilis rin siyang bumaba ng kotse pagka park pa lang. Binalibag pa niya ang pinto ng kotse at walang lingon-lingong pumasok sa apartment niya.



"Psh! Kala niya makakaisa siya sakin? Tsk!" maktol bigla ni Sebastian bago lumabas ng kotse. Sumunod ako sa kanya pero nakita ko siyang kinukuha na ang maleta ni Tyrone.



"Damn! Dala ba niya lahat ng hinanakit niya sa buhay sa maletang to? Putek! Ang bigat!" bigla niyang binalibag ang maleta buti nalang at hindi bumukas. Napaismid ako. Argh! Kahit kailan napaka tamad talaga niya.



"Ako na nga lang magdadala niyan." Inismiran ko pa siya. Pero taragis! Mabigat nga. Ganito ba kabigat ang mga hinanakit niya sa buhay? Oh come on! Walang makakadala nito eh. Argh! Hinila ko na lang nang sapilitan. Si Sebastian nagrereklamo pa rin at hindi pa nakuntento at sinipa ang maleta.



"Unggoy ka!"



"Tsk!" nahilamos niya sa mukha ang palad niya sa sobrang inis. Nag martsa pa siya papasok ng bahay at binalibag rin ang pinto. Wow! Just wow! Iniwan ako dito ganon? Argh! Ang bobo niya talaga kahit kailan! Mas binilisan ko na lang ang paghila sa maleta. Nang makapasok ako ay hindi ko na nakita si Tyrone pero nasa sala si Sebastian at may kausap sa phone.



"Nasan si Tyrone?" tanong ko agad saka tumabi sa kanya. Mahirap na baka saan na naman nagpunta yon! Kargo di-konsensiya ko pa kung may mangyari sa kanya.



"Kita mong wala! Aish! Wag mo'kong kulitin Cecelia masakit ang ulo ko." Singhal niya. Animal! Nahampas ko siya ng malakas sa braso. Bwesit na lalaki!



"Ouch! Cecelia masakit ah." Napapangiwi pa siyang naghimas ng braso niya.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon