Chapter 7. "Unexpected moments with you"

1.5K 40 2
                                    



"Perry?" sabay kaming napalingon sa nagsalita at gayun na lang ang paglaki ng mata ko. The Goddess of beauty Miss Sasha Monticillo was at the door at ang sama ng tingin samin. Mabilis kong naitulak si Sebastian saka tumayo at nagmadaling pumunta sa lugar kung saan ako nararapat, sa manager's table.



"What are you doing? Nasan sina Andrie?" I heard her voice almost broke. Nagpalipat-lipat pa ang mata niya sakin at kay Sebastian. At ang hinayupak? Prenting nakaupo lang sa sofa hawak ang sintedo niya. Tyler, kailangan ko na atang mag evaporate dito. Nataranta akong tumayo, nginitian ko pa si Sasha pero hinila niya ang braso ko kaya naudlot ang paglabas ko.



"Bakit suot mo yan?"



"Ha?"



"Why are you wearing Perry's jacket?" Napatingin tuloy ako sa suot ko. Eh ano naman kung suot ko 'to diba? Issue na ba ngayon yun? Naku! Ito talagang manikang to masyadong selosa. Sarap tapyasan ng kagandahan eh noh? Napatawa ako.



"Ah. . hahaha. . Ito ba? Bigay ni Sebastian. Ganda no?"



"Hindi" Namilog ang mata ko sa sagot niya. Ayy! Hinahamon yata ako ng babaeng to eh. Porket hindi ako kagandahan, hindi na maganda ang suot ko?



"Perry ano to?"



"Don't mind Ash!"



"What? Then why is she wearing your damn jacket ha?"



"Shut up, will you?"



Tyler, nagsisigawan na sila. Ano ba tong napasok ko? Sobrang big deal ba talaga nitong jacket na'to? Eh susunugin ko naman to mamaya kaya no need na para magsigawan sila noh. Saka kung gusto ni Sasha to eh sa kanya nalang, hindi ako maramot.



"Kyaahhhh. . ." Napaiktad ako sa biglang pag dating ng mga babaeng nagsigawan, nagtilian. Na estatwa ako sa gulat kasi hindi ko man lang namalayang nasa tabi ko na pala si Sebastian.



"Oh my God! Suot niya ang jacket ni Perry Tyler."



"Waaahhh bakit nasa kanya ang jacket?"



"Shocks! She's wearing Tyler's varsity jacket."



Ano daw? Wala akong naintindihan! Pero nanlaki ang mata ko ng may nag flash na camera. Napakurap na ako dahil sunod-sunod na ang nag pi-picture. Bigla akong inakbayan ni Sebastian, correction, niyakap niya ako. Tinago niya ang mukha ko sa katawan niya. dug. . dug. .dug. . may nagpupukpok sa puso ko. Sobrang lakas, masyadong maingay.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon