Chapter 30. "You know its love when it hurts"

1.3K 29 12
                                    



"Kung galit ka sakin, sabihin mo!" sinuntok ni Tyrone sa mukha si Sebastian kaya napaupo siya sa semento. Gusto kong bumangon pero nahihilo ako. Lumapit si Berto sakin at pinatayo ako. Pero nasaktan ako ng makita kong ngumiti si Sebastian sakin bago siya tumayo at sinuntok si Tyrone.



"Tayka. . ." yun lang ang nasabi ko ng makita kong nagkagulo na sila. Nagpalitan sila ng suntok habang inaawat sila ng mga tao. Gusto kong sumigaw, magmura pero naiiyak lang ako.



"Cecelia! Okay ka lang?" Pinaupo ako ni Berto pero umiling ako.



"Berto. . awatin mo sila." Sigaw ko. Nataranta si Bertong tumakbo palapit sa kanila. Sinubukan kong maglakad hawak ang ulo ko.



"Tama na tol! Ano ba?" nakita ko si Larry at Matt na umaawat pero nagpatuloy sa pagsusuntukan ang dalawa. Tuluyan na akong naiyak ng makita kong duguan na si Sebastian.



"TAMA NA!" nagawa ko pang sumigaw pero hindi sila nakinig. Marami nang umaawat sa kanila hanggang sa namataan ko si kuyang patakbong lumapit at pwersahang pinaghiwalay ang dalawa.



"ANONG KAGULUHAN TO?" sigaw ni kuya. Nagawa kong makalapit sa kanila at hinila si Tyrone palayo.



"Please! Tama na!" Tuluyan na akong naiyak. Narinig kong napamura si Sebastian saka tinulak ang mga humahawak sa kanya. Pero tumitig siya sakin saka matamlay na ngumiti. Gusto ko siyang sampalin. Mabilis siyang tumalikod at kinuha ang mga gamit niya pero sumunod si kuya sa kanya.



"Pwede ka bang maka-usap?" lumingon si kuya sakin pero nag-iwas ako ng tingin. Hinarap ko nalang si Tyrone na nakatingin pa rin kay Sebastian.



"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. Bigla siyang lumingon sakin.



"Bukol." Walang emosyong saad niya saka hinawakan ang noo ko. Malungkot na naman siya.



"Sorry! Hindi ko napigilan eh. Binato ka niya ng bola Cecelia. Sobra na yun." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Sanay na ako! Diba nga halos magpatayan kami nuon, batohan at sigawan. Walang-wala na sakin yun.



Naka akbay siya sakin habang pauwi kami ng bahay. Naiwan si Berto dahil mag-uusap pa daw sila nong referee. Nagulat pa ako kasi nasa sala si Sebastian. Mag-uusap nga pala sila ni kuya. Marahan kaming pumasok pero nakayuko lang siya hawak ang cellphone niya. Umupo si Tyrone malapit sa kusina. Nahihilo man ay nagawa kong maghanda ng yelo para sa namamagang mukha ni Tyrone.



"Oh." Inaabot ko sa kanya ang ice pack saka tumabi sa kanya. Kinuha niya yun pero nagulat ako nang ipatong niya yun sa ulo ko.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon