Chapter 40. "Welcoming Changes"

1K 23 0
                                    



Tulala akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Wala lang, nakatitig lang ako as if it's the most precious creation ever made in the history. Sa tanong ng Bear Brand na "Para kanino ka bumabangon?" I was like, pakialam mo! Pakialam niyong lahat kung ayaw kong bumangon? Ayukong pumasok sa school kasi wala akong tulog. Halata sa eye bags. Paano na lang kung makita ulit kiya diba tapos lalagpasan mo ulit ako? Gosh! Baka mabigwasan na talaga kita ng malupit.



But then again kailangan kong bumangon dahil nakasalalay ang future ko dito. Pinilit ko ang sarili kong maligo, magbihis, magpaganda at magpabango.



Never be sad for what is over, just be glad that it was once yours.



Yan ang natutunan ko sa literature subject namin. Lakas maka hugot quotes diba? But its true kasi dapat daw hindi mo iisipin yung nawala sayo at mag thank you ka na lang kasi atleast naging sayo yon kahit limited time lang. Alam naman nating hindi lahat ng nagagawa natin ay madadaan na lang sa simpleng thank you o kaya sorry. Sometimes we just need to be contented kong anong meron satin.



So, here I am living my life as what it should be. Pa sipol-sipol pa nga akong pumasok ng campus eh. Pero lintek! Nakasalubong ko si Sasha. Huli na para magtago kasi sinalubong niya talaga ako. Hindi siya halatang excited ha kasi nakangiti talaga siya. May maganda ba sa umaga bukod sa pagmumukhang meron siya?



"Hey! Where have you been yesterday? Hinanap ka namin." She asks curiously. And I was like, "Really? Hinahanap mo ako?" pero sympre hindi ko isinatinig kasi hindi kami close.



"Ahm. Sumakit kasi tiyan ko kaya nag evaporate ako. Bakit? May exciting bang happening here yesterday?" shocks! Kaya ko na talagang makipag talbugan ng englisan sa kanya eh. Ayukong malaman niyang naging tanga ako sayo kahapon noh.



"Perry's here. You don't know that?"



"Ha?" Takte! Bakit kinabahan ako bigla kahit alam ko naman yon. "Ahhh. Nandito pala siya. hindi ko knows eh. Busy ako eh. . sa kubeta." Nag-aalburuto man sa kaba ay nagawa kong ngumisi kaya napakunot ang noo niya. Napalingon naman ako sa paligid kasi diba baka sumulpot ka na naman bigla. Shems! Kailangan ko na atang tumakas.



"Bye na ha." Mabilis akong naglakad palayo bago pa siya maka react. "Paki regards na lang ako sa ex ko, pakisabi long time no see. Salamuch!"



Tumakbo na talaga ako. Walang lingon-lingon hanggang sa education building. Kainis! Sana talaga hindi nalang ako pumasok ngayon eh. Kinakabahan ako sa sayo kala mo lang. Napatingin ako sa wallclock. Tayka bakit ako lang mag-isa dito? Late na sila ah.



30 minutes past ay wala talaga ang mga classmate ko. Lintek! Anong kagaguhan to? Mabilis kong hinablot ang phone ko.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon