Chapter 5. "Be with who?"

1.6K 45 1
                                    



Hinila niya ako papasok ng audi. Ang dami pang nakatingin dahil nakahawak siya sakin. Hindi ko na gusto to! Namataan ko yung sign na dapat dun maupo ang representative ng basketball team pero dumiretso siya sa pinakalikod which is katabi ng soccer at volleyball men's team. Napa nguso ako. Alam na this! Ayaw niyang madikit sa cheering team na puro mga babae ang nakaupo. Mabilis kong winaksi ang kamay ko ng maupo na kami.



Sorry Tyler ha, una niyakap niya ako tapos ngayon halos mag holding hands kami. Naku! Dapat distansiyahan ko na talaga ang sarili ko sa kanya. Ayuko sa kanya! Period!



Isa-isa ng tinawag yung mga org. and clubs. Kinakabahan ako kasi ipapakila talaga. Yung tatayo ka tapos mag di-discuss ng mga dapat gawin para sa foundation. Putek! Wala akong alam ha.



"Let's hear about the Red Lions Basketball Team." Halos mabingi ako sa palakpakan ng lahat. Nagkatitigan kami ni Sebastian pero tinulak niya ako patayo. Animal siya! Tinulak ko rin siya patayo pero naloko na talaga, hinila ulit niya ako patayo at sabay kaming naglakad sa gitna. Susmaryusep!



"We will be the champion!" Napa ismid ako sa kanya. Yun lang! Yun lang ang sinabi niya pero halos liparin ako sa tilian at hiyawan ng mga babaeng haliparot dito sa audi.



"And. . " tumitingin siya bigla sakin. He then smirk saka walang pasabing inakbayan ako.



"She's my new manager, basketball's new manager rather!" Bwesit ka Sebastian! I tried my best to smile kahit sobrang tahimik ng lahat at matamang nakatitig sakin ang mga babae. Walang hiya talaga! Sinadya niya yun eh! Alam kong sinadya niyang akbayan ako para magalit sakin lahat ng babae at ako na ang target nilang pahirapan. Nakaka high blood ka Sebastian! Argh!



Nang dumating sina Andrie at pumunta rin sa harap, sumiksik nalang ako sa likod nila. Pilit akong pinapaharap ni Andrie pero pinangatawanan kong sa gilid na lang. Nakaka inis! Ganito pala kahirap maging manager nila. Tudo bow nalang ako at pinike yung ngiti ko. Nakita ko pa si Sasha na halatang hindi gusto ang nakikita niyang nandito ako kasama ang mga gwapong lalaking to. Hah! Napaisip ako bigla! Swerte ba ako? Kasi diba sa dami ng babae dito sa school, ako lang ang nakakalapit at nakakasama sa kanila. Yun oh! Napangiti ako bigla. ahahaha. Mamatay kayo sa inggit! Mga bwesit!



Natapos ang event kaya nakahinga ako ng maluwag. Lumabas nalang din ako ng audi ng hindi na nagpaalam sa kanila. May klase pa kasi ako. Malamang naghihintay na si Berto sakin. Pero alam mo yung feeling na halos lahat ng nadadaanan mo eh nakatingin sayo? Kasi naman para akong specimen na inuobserbahan nila ng live. Hay naku! Pake ko sa inyo.




Natapos na naman ang isang araw na wala akong klase. Buti nalang talaga yang foundation eh tyming na kakasimula pa lang ng klase kaya okay lang mag excuse muna. Nagmadali akong lumabas ng campus pero wala na naman si Berto. Napapadalas na talaga ang pang-iiwan niya sakin. Naghintay nalang ako ng tricycle pero halos 30 minutes na wala pa rin akong masakyan. Dumidilim na rin at parang uulan gaya kagabi. Inaantok pa ako kasi ang dami naming ginawa ngayon, nakaka stress na talaga. Biglang naramdaman kong may tumabi sakin.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon