Chapter 15. "Mistakenly missing you"

1.4K 39 2
                                    



"Cecelia gumising ka na. Hinihintay ka ni Berto sa labas. Naku bata ka, bakit hindi mo sinabing madaling araw pala ang lakad niyo?" niyugyog ako ni mama pero hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya. Bumangon ako pero medyo masakit yung ulo ko. Tayka, anong nangyari sakin?



"Ma?"



"Wag ka nang maraming tanong." Hinila niya ako palabas at tinulak sa banyo. Nakita ko si Berto sa sofa at nagkakape. "Maligo ka na. Bilisan mo!"



Wala akong nagawa kundi tumili dahil sa lamig ng tubig. Anong oras na ba? At bakit ako pinapaligo ni mama?



"Cecelia, oh jacket mo. Sige na bilisan mo diyan. Kahit kailan ang bagal mo talaga!" natataranta na ako sa kinikilos ni mama. Hindi ko siya maintindihan at kinakabahan ako kaya niyakap ko siya bigla.



"Ma, pinapalayas niyo na po ba ako? Hindi ba pwedeng sa umaga nalang, ngayon na talaga? As in now na?"



"Hay naku bata ka." nilayo niya ako saka pinatungan ng jacket yung braso ko. "Hinihintay ka ni Tyler sa labas."



Nawala yung antok at ginaw ko dahil sa narinig. Tyler? Ikaw ba yun?



"Cecelia, napipikon na si Sebastian your loves sa labas. Halika ka na!" biglang sigaw ni Berto. Pinagtulakan naman ako ni mama palabas ng kwarto.



Paglabas namin ni Berto, nakita ko agad si Sebastian sa loob ng kotse niya pero hindi naman siya yung driver. Mabilis akong hinila ni Berto at sumakay kami sa likod. Ano bang trip meron ngayon? Bakit wala akong maintindihan?



"Bye anak. Berto bantayan mo yang si Cecelia ah. Tyler, ingat kayo sa byahe."



"Sige po nay." Nagtitigan kami ni Berto sa sinabi ni Sebastian. Hanep! Siya na nga ang may lakas ng loob sumagot sa mama ko at nakiki nanay pa siya. Sipsip! Nag wave nalang ako kay mama saka umayos ng upo. Sobrang tahimik naming lahat kaya siniko ko si Berto.



"May amnesia ata ako." kumunot ang noo niya. "Kasi hindi ko maalala kong anong nangyari kapahon eh. Oh my Gosh Bert! Mamamatay na ata ako." akmang iiyak na ako ng tampalin niya ang noo ko.



"Nahimatay ka sa quarter buti nalang nakita ka niya." Sabay nguso niya kay Sebastian. Pasimple tuloy akong lumingon sa kulugo na tahimik lang na nagtitipa sa phone niya.



"Dinala ka namin sa clinic pero dahil sa ayaw mong magising kaya inuwi na lang kita. Ano bang nangyari sayo kahapon? Nalipasan ka ba ng gutom?"

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon