Chapter 10. "Ignore. Not now. Confirm"

1.6K 55 8
                                    



"Cecelia!" Napaiktad ako sa biglang pagsigaw ni Sebastian. Takte! Sumunod pa talaga sakin dito. Nagpalinga-linga ako at tama nga ang hinala ko dahil nakatingin na sakin ngayon ang mga babaeng nag chi-chismisan kanina. Gusto kong tumakbo palayo sa kanya pero hindi ko maigalaw ang paa ko.



"Hatid na kita."



"AYUKO!" sigaw ko sa kanya. I don't know, it's just that I don't want to get close to him. Nawiwindang kasi ako eh. Plus the fact na maraming nakaantabay sa aming dalawa. Ayuko nito! Lumapit pa siya sakin kaya napatras ako. Shems! Bwesit ka talaga Sebastian!



"Accept it Cecelia! Wag ka ng maraming arte. Hindi bagay sayo!" pinandilatan pa niya ako ng mata saka sapilitang kinarga ako. Hayup! Parang may nagkakarera bigla sa dibdib ko. Sinampal ko siya. Oo sinampal ko talaga siya!



"CECELIA SUMUSOBRA KA NA TALAGA!" sigaw niya. Halos hindi ako humihinga dahil ang lapit ng mukha niya. Hindi parin kasi niya ako hinulog at mas lalo akong hindi makahinga dahil ang higpit ng hawak niya sa may baywang ko.



"Ibaba mo ako!"



"Not now Cecelia." Then he smirk. Putragis! Bipolar talaga siya. Kinurot ko siya sa braso pero hindi niya pinansin, sa halip umabante na ang kumag. Nagwala ako pero mas sinubsob niya ako sa katawan niya. Grabe Tyler, gusto ko na talagang mawala promise. Naririnig ko pa ang bulungan ng mga babae at ang pag click ng sandamakmak na camera.



"Walanghiya ka talaga! Ibaba mo sabi ako eh!"



"Wag kang magulo. Malapit na tayo."



"Ayuko sayo! Ayuko sayo!"



"Perry Tyler?" napahinto kaming dalawa ng biglang sumulpot si Sasha. Nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sakin at kay Sebastian. May stretcher siya at may dalawang umaalay sa kanya.



"Ash, not now! I'm busy." Saka nilagpasan niya si Sasha. Ano raw? Busy siya? Saan? Saka bakit Ash ang tawag niya kay Sasha? Hmp! Pake ko ba!



"Kaya ba hindi mo ako sinundo kanina? I can't even walk on my own Perry. I should be the one you're holding right now but what are you doing?" napahinto na naman si Sebastian. Napatingin tuloy ako sa kanya kaya kitang-kita ko na napaka seryuso niya. May usapan pala sila pero bakit ako ang kinakarga niya ngayon. Tayka, bakit parang hindi na ako umaangal dito? Naman oh! Pasimple akong bumulong sa kanya.



"Okay na, ibaba mo na ako." tumingin siya bigla sakin kaya napalunok ako. Lang'ya! Napapadalas na ang pag alburuto ng dibdib ko ah.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon