Chapter 37. "Where do broken hearts go?"

945 25 3
                                        



May tanong ako, "Where do broken hearts go?" Hindi! Joke lang. Ito seryuso, "Do I have to break someone's heart for his own sake?" Nakakabobo ng tanong diba?



Of course alam ko ang sagot ng karamihan. Some would say, "Yes because it's for his own good. Maging Masaya ka lang para sa kanya kasi longing for someone's happiness even breaking your own is true love." Leche lang diba?



Ako? Na! Wala akong pakialam sa karamihan. Kagaguhan lang yan. Pag mahal mo, mahalin mo. Risk everything kahit pa 1% na lang ang chance na meron don. Bakit ako bibitaw kung pwede pa namang mag hold on and choose happiness? Hindi lahat ng true love na me-measure sa "I let you go", "It's not you, it's me", "You deserve someone better than me". Taragis na linya, masyadong gasgas. Ayukong mapasama sa camp sawi.



HOLD ON.


Yeah! Madali lang sabihin at papatunayan kong kaya ko yang gawin. Mag a-abroad siya? So what? Baka nakakalimutan niyo usong-uso na ngayon ang LDR? Kaya ko yan, ako pa! 6 months o kahit pa isang taon, kaya kong maghintay. Sanay na ako sa salitang "waiting"



"Cecelia." Humigpit ang kapit niya sa baywang ko.



"Oh. Akala ko ba matutulog ka na. Bukas na ang flight mo. Bawal sa mga bobo ang mapuyat. Buti na lang smart kid ako." Pasimple akong bumitaw sa yakap niya at inaupo siya sa sofa. Nakauwi na siya kahapon pa kaya nandito rin ako sa bahay nila. Henep! Nag overnight ako dito with my parents consent. Safe daw kasi bulag ang syota ko. Whatever!



"Sasama ka sakin?"



"Saan naman? Gabi na oh, bukas na lang."



"Yeah! Tomorrow. Will you come with me?" napatingin ako sa kanya. So much of this pagpapanggap na busy ako kasi hindi naman niya nakikita. Tinitigan ko lang siyang nakatingin sa kawalan.



"Seb." He knit his head towards me. "Wala akong VISA. Bwesit!"



He chuckled. No let me rephrase it, he laugh. Nakng! Naiiyak ako.


"Tsk. Wala kang kwentang girlfriend sa totoo lang."


"Alam ko."



"Ang bilis naman ata ng sagot mo?" tinitigan niya ako. Oh Lord please! Pasimple akong umusog. Takte! Hindi sumunod ang mata niya. Bulag nga.



"Matalino ako eh."


JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon