Chapter 29. "When two world collides"

1.3K 29 0
                                    



"Cecelia. Psst! Cecelia!" naalimpungatan ako sa narinig. Marahan akong bumangon at nagkusot ng mata. Nananaginip ba ako?



"Cecelia bilisan mo!" napaiktad ako sa biglaang pagkatok sa bintana ng kwarto ko. Napatingin ako sa wall clock and it says 5:30 am. Ang aga pa!



"Psst!" napatingin ako sa bintana. May tao nga! Si Berto to eh. Alam ko ang laman ng utak ng lalaking yun kaya kung ano-ano na naman sigurong naisip para bulabugin ang umaga ko. Napuyat pa naman ako kagabi kasi nag te-text kami ni Tyrone. Textmate na kami eh. Padabog akong bumangon at dumiretso sa bintana.



"ANO NA. . . oy!"



"Good morning!" napanganga ako ng bumalaga sa harap ko si Tyrone. Ang lawak ng ngiti niya habang nakakamot sa batok niya.



"Bihis ka na!" ano daw? Eh sa ayukong magsalita eh kasi bad breath ako malamang. Saka anong ginagawa niya dito ng ganito ka aga? Wag niyang sabihing ganito siyang oras kung manligaw? Early bird ba siya?



"Diba mag jo-jogging tayo ngayon. Sige na! Malapit ng mag sun rise oh." Bahagya pa niya akong tinulak. Napakamot ako sa gulo-gulo kong buhok. Waah! Saka lang nag sink in sa utak ko nga bruha nga pala ako ngayon. Walang pasabing sinarado ko ang bintana.



"Cecelia nauntog ako! Kung ayaw mong sumama magsabi ka naman. Masakit kaya tong ilong ko. Kainis!" Sigaw niya. Mabilis kong nabuksan ang bintana.



"So. ."



"Joke yun ah." At ngumisi siya. Animal! Inirapan ko na lang siya saka sinarado ulit ang bintana. Halos kumaripas ako ng takbo papunta sa banyo. Oo nga pala, nagyaya pala siya kagabi na mag jo-jogging daw kami. Alangan namang maging chossy pa ako kaya grab the opportunity na to!



Pag bukas ko sa pinto ay bumulaga agad sakin ang jacket niya. Isinuot niya yun sakin saka hinila ako palabas ng bahay. Nakakahiya pa tong outfit ko kasi wala naman akong athletic personality para sa ganito. I'm just wearing a black leggings with a pair of white nike shoes na binili ni kuya sakin last year at naka fitted white tshirt lang ako. Okay naman siguro ang get up ko diba?



"Mag zu-zumba ka?" natatawa niyang tanong. Tiningnan pa ako from head to toe. Takte!



"Excuse me! Sexy kaya ako!" irap ko pa at nauna nang maglakad. Shems! Siya na! Siya na ang gwapo sa suot niya. He's wearing a black jogging pants and a white v-neck shirt, may headphone pa sa batok at panyo sa likod. Lintek! Pwede bang kahit isang araw lang pumanget naman ang lalaking to? Unfair na'to ah, lalong-lalo na kay Berto. Nang bigla siyang umakbay sakin.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon