Chapter 18. "Sebastian's game rules. Part 2"

1.6K 39 5
                                    



Ayukong bumangon, ayukong pumasok sa school, ayukong makita si Sebastian. Nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Shit! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Madali lang naman kasing sabihin na "Oy Sebastian ayukong maging boyfriend ka kasi hindi kita type. Hindi ako pumapayag sa 3 months rule mo!" pero hindi eh. Hindi madali yun lalo pa't si Sebastian yung kalaban ko. Aligaga akong bumangon.



"I should not over thinking things. Madali lang naman to eh. Act as if walang nagbago. Tama!" pumalakpak ako. "Normal lang, just like the old times. Si Sebastian lang yun kaya okay lang. Maganda yata ako." Pero napakamot agad ako sa gulo-gulo kong buhok.


"Tyler, 2 timer na bang tawag sakin ngayon? Kasi diba for me boyfriend kita tapos boyfriend ko rin si Sebastian? Yuck!" umakting akong nasuka sa harap ng salamin. "Salawahan, namamangka sa dalawang ilog, flirt, pakawala. Waaahhhh! AYUKO!"



Kumaripas ako ng takbo papuntang sala. Nakita ko si kuyang may kausap sa phone niya. Aligaga akong tumabi sa kanya saka hinintay na matapos ang tawag niya.


"Bakit hindi ka pa naliligo bunso? Anong oras na oh." Singhal pa niya.


"Kuya, na try mo na bang magka gusto sa isang tao kahit may mahal ka na?" diretsong tanong ko. Tinitigan ako ni kuya saka binatukan ang ulo ko. Ang sakit pero ininda ko yun kasi gusto kong marinig ang sagot niya.


"Ano na namang hugot yang pinagsasabi mo?"


"Sagutin mo na lang kasi."


"Depende." Napatingin pa siya sa taas na parang nag-iisip. "Kayo na ni Tyler noh? Hala lagot ka! Paano nayong Tyler na isa? Tsk tsk tsk."


"Hi. . hindi ah." Nataranta ako sa tanong niya. "Change topic ka naman kuya eh. Hindi yan yung issue dito." Tumayo ako para makaiwas na. Putek! Baka mabisto pa ako kung patatagalin ko ang pakikipag-usap sa kanya.



"Hep hep." Hinila niya ang tshirt ko kaya napaupo ulit ako. "Hindi ako nagka gusto sa kahit na sino pero si ate Cielo mo, oo" Napasinghap ako sa sinabi niya. I heard him sigh saka sumandal sa sofa. Hindi ko alam na si ate Cielo pala ang dahilan bakit sila naghiwalay.



"Yung kasabihan na "hindi nasusukat sa tagal ng relasyon kung magkakatuluyan ba ang dalawang tao", totoo yun. May mga tao kasing biglang darating sa buhay mo, yung hindi mo hinintay, hindi mo inaasahan, kusa lang siyang dumating ng walang dahilan. Minahal mo na lang ng hindi mo namamalayan." Narinig kung pumiyok ang boses ni kuya. Ang bigat ng pakiramdam ko habang nakikinig sa kanya. I know kuya Ceazar, palabiro, makulit, maangas pero siya yung taong sobrang seryuso magmahal. He is loyal, honest and faithful.



"Hanggang sa maramdaman mo na lang na iba na yung nagpapasaya sayo, na sa ibang tao na naka sentro yung buhay mo. Hanggang sa nakalimutan mo na yung dating minahal mo ng matagal na panahon. Wala na! Wala ka nang laban kasi kahit gaano kayo katagal, kung iba na yung mahal mo, dun kana sasaya sa kanya. Yung natitira nalang para sa taong pinaglaanan mo ng buhay mo noon ay awa, panghihinayang at pagsisisi. Talo na ako. . . kasi iba na yung mahal niya, iba na yung gusto niyang makasama. Hanggang sa ang natitirang solusyon nalang ay hiwalayan para maisalba yung natitirang pagkakaibigan sa nasirang relasyon niyong dalawa. Saklap diba?"

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon