Chapter 16. "Destiny's game"

1.4K 44 0
                                    



Bumalik sa dati ang lahat. Yung tipong sa tuwing naglalakad kami ni Berto sa campus eh walang nakakatusok na mata ang sumusunod sakin. Nakaka panibago nga eh. Para kasing mas nakakatakot yun compared to what happen in the past few months. Pero balik na sa dati lahat, yun nga lang parang nakakalungkot minsan. Minsan lang naman kaya wag kang mag-alala.



Nandito ako sa computer lab ngayon, wala si Berto kasi may inaasikaso daw siya. Pansin ko lang mas busy pa siya sakin ngayon. Naghahanap lang ako ng information tungkol sayo. Sa katunayan nga eh parang malapit ko ng maging bestfriend si pareng Google kasi siya lang yung palaging maaasahan ko. I type your name pero account lang ni Sebastian ang nakikita ko. Alam mo na, mayaman sila kaya may personal background ang family niya. Halos halungkatin ko rin lahat ng facebook account na kapangalan mo pero kay Sebastian lang din ang nakikita ko.



"Yung totoo? Nag e-exist ka ba talaga dito sa mundo o imaginary friend lang kita?" napapanguso ako sa mga pinagsasabi ko.


Ring. . . ring. ..ring. .


I look at the phone. Seb calling. Wala sa sariling sinagot ko yun. Araw-araw ata siyang tumatawag eh. Wala ba silang training o practice?


"Oh!"


"Asan ka?"


"Computer lab."


"What at you doing there?" napatingin ako sa phone na hawak ko bago siya sinagot.


"Nagre-research. Ano bang ginagawa sa computer lab, kumakain? Bobo nito!"


"Fine. Andrie wants to see you." I heard him sigh. Saka parang ang hina-hina ng boses niya. Naku! Alam ko'to eh. Hindi ako hinahanap ni Andrie kasi nag text siya kanina na mamasyal daw sila pagkapatos ng practice. Nagpaalam pa siya na hindi siya magpapa estorbo eh.


"Wag mo'kong lukuhin. Busy ako."


"Please!" napapadyak ako sa inis.


"Fine! Kunwari ka pang hinahanap ako ni Andrie. Sabihin mo na kasing ikaw ang naghahanap sakin. Tsk!"


"AT BAKIT KITA HAHANAPIN?" napapikit ako sa sigaw niya.


"EWAN KO SAYO." I hung up saka nag open ng skype. Bumulaga sa screen ang isang park. Maraming tao pero napa ganda naman. Gusto ko ring pumunta diyan.




"See that." I heard him say. Napatango ako saka sinandal sa monitor ang phone at nakalumbabang humarap sa screen.



"Hi manager." Mabilis akong napabalikwas. Kumakaway silang lahat sakin at pilit na pinagkakasya yung sarili nila sa maliit na screen. Waahhh! Naiiyak ako.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon