Napabalikwas ako ng bangon sa malakas na pagbusina ng sasakyan. Nataranta ako kasi parang alam ko na kung sino yun. Sumilip ako sa bintana. Putcha! Si Sebastian nga. Sinalubong siya ni mama. Tumakbo ako palabas ng kwarto saka dumiretso sa banyo. Dapat tapos na akong makaligo at makapag bihis kapag pumasok na siya. Madalian akong naligo saka nagtapis ng tuwalya.
"Ma. ." pareho kaming natigilan at nakatulalang nakatingin sa isa't isa. Hindi ko alam kong babalik ba ako sa banyo o kakaripas ng takbo papasok sa kwarto ko. Bigla siyang humakbang paatras pero bumalik ulit.
"Ahh. . Ce. ." aligaga siyang pabalik-balik ng lakad sa kinatatayuan niya tapos titingnan ako saka iiwas ulit. Nahihiya ba siya sa ayos ko?
"Magbihis ka na." Tuluyan na siyang lumabas ng bahay. Natauhan ako bigla. Shit! Kumaripas ako ng takbo papasok ng kwarto saka humarap sa salamin. Putek! Gusto kong tumili, gusto kong sabunutan ang sarili ko. Nakatapis lang ako ng tuwalya. Oh my! Nakita niya. Waahhh! Naiiyak akong nagbihis. Wala na talaga! Una, ninakawan niya ako ng halik tapos ngayon nakita niya akong ganito. Nasabunutan ko ang sarili ko. Mababaliw na talaga ko.
Wala kaming imik habang nasa byahe. Ramdam ko parin yung awkwardness between us. Bahala siya diyan, wala akong responsibility sa kanya. Pagdating namin sa school feeling ko ayuko ng bumaba kasi kinakabahan akong makita si Sasha. I'm sure kalat na kalat na sa buong campus ang 3 months relationship namin ni Sebastian.
"Hatid na kita." inilahad pa niya ang kamay niya. Inirapan ko siya.
"Ayuko. Takot ako sa virus." Saka nag martsa ako palayo sa kanya. Bigla siyang tumabi sakin saka inakbayan ako. yung tipong abot hanggang kilikili niya yung ulo ko. Hayup! Ang lapit ng mukha niya.
"Ang saya nito."
"Get of me. Jerk!" pinilit kong kumalas pero hinila na niya ako. Tumawa lang siya ng tumawa kahit ang dami ng nakatingin samin. Juice ko Lord!
"Sabay tayong mag lunch. Wag mo'kong takasan Cecelia. I have a lot of spy." Kindat pa niya saka ako hinila papasok ng room namin. As usual namamangha ang lahat sa ka dramahan ni Sebastian. Padabog akong umupo saka pwersahang kinuha ang bag ko.
"Allergy ako sweets kaya kung pwede wag kang over? Chuppe!" kinumpas ko ang kamay ko para palayasin na siya. Pero ang tukmol ngumisi lang saka mabilis akong hinalikan sa noo. I heard everybody gasp. Bwesit! Buong morning period wala ako sa sarili ko lalo pa't wala akong nakaka-usap dahil hindi ko classmate si Berto. Natatakot pa akong mag bell dahil may darating na delubyo.
RINGGGG....
Napa sign of the cross ako. Halos lahat ng mga babaeng classmate ko eh nag-aabang kung susunduin ba talaga ako ni Sebastian. So, there I was, silently praying na sana nabagok siya at nakalimutan na ako.
"Cecelia." Napapikit ko kasabay ng panghihinayang ng mga girls. Oh come on! Padabog akong tumayo pero narinig ko parin ang palahaw ng mga babaeng sawi. Ngumisi ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
JERSEY No. 6 (Completed)
Roman pour AdolescentsLove Letter Series#1 "When you stop chasing the wrong one, you give the right one a chance to catch you!" TEASER Bog. . bog. .bog Kasabay ng pag palpitate nang walang humpay nitong puso ko ay ang pag talbog-talbog ng basketball na dribble mo. Wag mo...