Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kasi kinukulit pa ako ni mama kung ano ba daw talaga ang status namin ni Sebastian. The heck! Sinabihan ko na nga siya na ikaw ang boyfriend ko, na Tyler ang pangalan mo at LDR tayo. Pero ayaw niyang maniwala dahil nag- iimbento lang daw ako. Argh! Hinanapan pa niya ako ng ibedensiya kung nagsasabi ako ng totoo eh wala naman akong maipakita. Kaya ang ending, napagilatan pa ako. Hindi nalang ako nakinig sa kanya kasi alam ko naman ang totoo. Sabi pa niya pasado daw si Sebastian kaya hindi na dapat ako magsinungaling pa. Shems! Gusto ko na talaga silang paliparin sa Pluto eh. Ang tigas ng mga ulo nila lalong-lalo na si papa.
Alam mo rin ba kagabi bago umalis yung kulugo eh nakipag one on one interview pa kay papa. Isa siyang dakilang sipsip! Pero ang mas nakakapag alburuto ng dibdib ko eh pinapasok niya si Sebastian sa kwarto ko. Gusto ko na ngang magwala kagabi eh. At alam mo rin ba ang ginawa ng katukayo mo ha? Pinahiga lang naman niya ako sa kama ko, kinumutan at binigyan ng halik sa noo. Hayup! Hindi ako naka react, hindi ko siya nasuntok. Umalis siya ng bahay na puro tawa yung naririnig ko kina mama at papa, malakas rin ang halakhak ni kuya. Napaisip tuloy ako, ano na naman kayang nabalastugan ang nangyayari sa pamilya ko? Pero wag kang mag-alala Tyler hindi ako apektado sa mga nangyayari. Talaga! Totoo! Promise! Kaya lang. . . parang may mali. Pero wag kang mag-isip ng iba ha. Naguguluhan lang siguro ako. Tama! Naguguluhan lang ako. Miss lang siguro kita!
Beep beep beep... Napaiktad ako sa pagbusina ng kotse. In a split of seconds ay nakita ko na si Sebastian papalapit sakin. Gusto kong magtago pero ano namang magagawa ng lumpong katulad ko. Pero wait. What is he doing here na ganito ka aga?
"Let's go." Akmang bubuhatin niya ako pero napaatras ako. Great!
"Anong ginagawa mo dito?"
"Sinusundo ka." ngumiti na naman siya. Bwesit na ngiti yan! Tinaasan ko siya ng kilay.
"Excuse me pero si Berto ang taga sundo ko."
"Nasa school na si Berto." Mabilis niya akong kinarga. Napaisip tuloy ako. kaya pala kanina pa ako naghihintay dito pero ni anino ng lalaking yun hindi ko mahanap. Naku! Malamang sinuhulahan nitong kulugo para mauna na siya sa school. Hindi na ako nagreklamo nang dalhin niya ako sa kotse niya. Hanep! Nasasanay na ata akong maging buhay mayaman nito. Ang sarap palang may kotse noh lalo pa't ganito ka gwapo ang driver mo hihihi. Ay erase-erase!
As usual ang dami na namang nakatingin samin ng bitbitin ako ni Sebastian hanggang sa room ko. Hindi ko nalang sila pinansin kasi hindi rin naman nila ako inaway which is wierd. Bandang lunch break nandito na naman si Sebastian at dinala ako sa quarter. Siya ang naghanda ng pagkain ko, siya ang nag-asikaso sakin. Naguguluhan na talaga ako. Bakit bigla-bigla ata na naging mabait sakin ang impaktong to? Napatingin ako sa kanya na abala sa pagtitipa ng kung ano sa phone niya. Hindi kaya may masamang balak sakin ang lalaking to? Oh my God! Natutop ko ang bibig ko.
"Sebastian?" sigaw ko sa kanya. Tumingin siya sakin.
BINABASA MO ANG
JERSEY No. 6 (Completed)
Teen FictionLove Letter Series#1 "When you stop chasing the wrong one, you give the right one a chance to catch you!" TEASER Bog. . bog. .bog Kasabay ng pag palpitate nang walang humpay nitong puso ko ay ang pag talbog-talbog ng basketball na dribble mo. Wag mo...