Special Chapter. "Positive"

1.5K 40 1
                                    



"Tayka lang naman. Ba't ka ba nanunulak ha?" singhal ni Berto sakin. Kumapit naman ako sa braso niya saka sumilip ulit sa may field. "Wala naman yatang babae yang asawa mo? Kahit pa daw brutal at maldita ka na ang sarap mo nang ibaon sa hukay!"



"Shut up!" tampal ko sa bibig niya.



"Totoo naman eh. Hala ka lagot ka! baka ngsawa na sa ka brutalan mo ang asawa mo." Sinabunutan ko na talaga siya ng mabilis. Tumawa lang naman si Berto. Napairap na lang ako saka umayos ng up sa damuhan. Inakbayan naman niya ako.



"Joke lang."



"Ewan ko sayo!" nag pout ako saka sumandal sa puno. Nandito kasi kami sa likod ng puno at minamanmanan si Sebastian. Kasi naman sa bahay sobrang tahimik niya. Minsan pa napapansin ko na sobrang busy siya sa phone niya. Mababaliw ako kakaisip kung napano na siya.



"Tara na nga! 3 days na natin tong ginagawa pero wala ka namang napapala." Hinila na niya ako patayo kaya pumunta nalang kaming Library. May assignment nga pala kami.



30 minutes past ay namataan ko si Sebastian papasok. Mabilis kong nahila si Berto sa ilalim ng lamesa.



"Bakit tayo nagtatago?"



"Shhh!"



Dumiretso si Sebastian sa sulok ng library. Hinila ko si Berto pasunod sa asawa ko. Nagtago agad kami sa mga book shelve. Sebastian was busy on his phone. Na naman? Nagkatinginan kami ni Berto. May mali talaga eh. Nakurot ko tuloy ang braso ni Berto sa sobrang inis.



"Silipin natin." Bigla niya akong hinila paliko sa isa pang book shelve. Nag tip toe pa kami hanggang sa makarating kami sa book shelve sa mismong likod ni Sebastian. Putek! Sino bang ka text ng lalaking to na parang gusto na niyang pakasalan ang cellphone sa pagkakatitig? Argh!



Marahang inalis ni Berto ang mga libro para masilip naming ang ginagawa ni Sebastian. sabay pa kaming tumingkayad para sumilip.



"Basketball?"



Mabilis akong nahila ni Berto paupo. Nagkatinginan kami at sabay na gumapang palabas ng library. Kumaripas agad kami ng takbo hanggang sa soccer field.



"I know it! Sabi ko na nga ba eh." Niyogyog pa niya ang magkabilang balikta ko. Nahihilo na naman tuloy ako. "Binabalikan ng asawa mo ang ultimate first love niya."

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon