Chapter 27. "Meeting the real you"

1.5K 36 13
                                        


Umiiyak akong tumakbo pabalik sa gym. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ako pinag-aksayahan ng panahon para magsinungaling lang sakin. Hindi ko matatanggap yun!



Pero nanlumo ako nang makita kong second na lang ang natitira at sobrang lamang ng kalaban. Mabilis akong lumabas ulit at nag-iiyak na talaga ako. talo sila, talo ako. si Sebastian lang ang panalo saming lahat.



Wala ako sa sarili ko nang makauwo ako. Nagulat nalang ako dahil sinalubong ako ni mama't papa.



"Sabihin mo na!" tulak ni mama kay papa.



"Anong ako?Ikaw nagluwal diyan.Sabihin mo!" nagtulakan pa sila. Wala ako sa mood kaya tuloy-tuloy nalang akong pumasok.



"Anak may bisita ka." hindi ko na narinig ang ibang sinabi ni mama dahil nagulat ako sa kung sino ang nasa loob ng bahay namin at prenting nakaupo sa sofa.



"Ma..nakikita niyo po ba siya?" nangangatal na tinuro ko ang lalaking nakapikit na nakasandal sa sofa.



"Sympre!Ano siya multo?Labas lang muna kami ng papa mo." Tinulak ako ni mama kaya napaiktad ako nang bigla siyang dumilat. Tila libo-libong paru-paro ang naglipana sa tiyan ko nang magtama ang mata namin. Those eyes, that freaking smile. . .



"Tyler!"



Mabilis siyang tumayo at sa isang iglap ay natagpuan ko ang sarili kong nakayakap sa kanya. Ang familiar na pabango, ang walang katapusang kaba sa dibdib ko. Ito ang feeling na na miss ko.



"Tyler. . Tyler!" napahagulhol na ako at niyakap siya nang mahigpit.



"Woahh! Easy! Na miss mo rin ako?" natatawang saad niya. Bigla akong natigilan at pasimple akong bumitaw sa kanya. Tinitigan niya ako mata sa mata kaya napahikbi ulit ako. Ngumiti siya sakin kaya mas lumakas ang iyak ko.



"To naman! Wag kang umiyak." Pinunasan niya ang pisngi ko. "Naiiyak rin ako eh!" umakting siyang nagpunas rin ng mata niya. Omo! Siya nga!Ang dami kong tanong, ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Yung tungkol kay Sebastian, yung tungkol sa pagkatao niya pero nanatili lang akong nakatitig sa mukha niya. Bakit ako nasasaktan?



Hinila niya ako paupo sa sofa pero hindi niya binitawan ang kamay ko.



"Sorry ah! Napaaga ang pagbalik ko. Kailangan lang talaga. Alam mo naman siguro na ilang beses na akong bumisita sayo diba?" malumanay niyang saad na nakangiti sakin at bahagyang pinisil ang kamay ko.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon