Chapter 43. "Tyrone Zach Medina"

1K 28 0
                                    


"Aray naman! Dahan-dahan naman oh. Masakit." Pilit kong inaagaw kay Cecelia ang ice pack pero mas dinudoldol niya sa mukha ko. Napapangiwi nalang ako.



"Sandali na lang to."



"Kanina pa yang sandali nayan ah. Kailan pa ba yan? Aray!" napahawak ako sa labi ko pero sinasaway naman niya ang kamay ko. Aish! Wala akong nagawa kundi humiyaw sa sakit. Grade naman manuntok si Bestfriend. Ginulpi talaga ako. Hindi ako lumaban eh. Nagpasuntok, nagpasipa, in short nagpa bogbog talaga ako para malabas niya ang problema niya sakin. Yon nga lang, nawalan ako ng malay dahil sa isang suntok na ginawa niya sa sikmura ko.



"Okay na."



"Salamat naman. Mas masakit kang mang gamot eh."



"Gago." Sinapak niya ako.



"Ouch. Gulpuhin mo na lang din ako oh. Buti na nga't hindi siya pinatulan eh. Aish!" pinilit kong bumangon pero napahawak lang ako sa sikmura ko. Shit! Ang sakit talaga ng tiyan ko.



"Saan ang masakit?" mabilis na sumampa si Cecelia sa tabi ko at hinawakan ang tiyan ko. "Dito ba?"



"Dito." Turo ko sa puso ko. "Aray! Huhuhu. Sobra na talaga kayo. Patayin niyo na lang po ako. Aray! Ano ba?"



"Umayos ka kasi." Singhal niya at sinapak pa ulit ako. Shit! Bakit ba ang brutal ng babaeng to? Ako na nga tong binubogbog ng boyfriend niya ako patong sinasaktan niya. Kaasar! "Humiga ka diyan."



"Opo nay."



"Tyrone."



"Oo na nga." At humiga na ako at inayos ang unan ko. Napabuntong hininga ako habang pinapanuod siyang nag-aayos ng mga gamit sa bag ko. Dinala kasi nila ako ni Berto dito sa clinic dahil nga sa nahimatay ako. Out of duty pa naman ang nurse kasi Friday na kaya si Cecelia ang nag-asikaso sakin. Pumikit na lang ako.



"Tyrone?" narinig kong tawag niya. Hindi ako sumagot. "Hoy!"



"Hmm.?"



"Okay ka lang ba talaga?" she almost whispered. Hindi ako nagdilat ng mata kasi nararamdaman kong nakatitig siya sakin. Pasimple ko na lang nilagay ang braso sa mukha ko.



"Pag sinabi ko bang hindi, anong gagawin mo?"

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon