Chapter 8. "Somebody to you"

1.5K 46 0
                                    



Ilang gabi ko ring pinaglamayan ang nasayang na chance na makita kita. Alam mo naman ako, mahirap maka get over. Kasi naman walang oras na hindi kita naiisip kaya para akong lutang nitong mga nakaraang araw. Idagdag pa na hindi na katulad ng dati ang buhay ko sa school. Alam mo kung bakit? Kasi marami ng gustong ilibing sa hukay ang katawang lupa ko. Simula kasi nong foundation week halos pagapang akong pumapasok makaiwas lang sa naglilipanang mga hipon na naligaw sa mundo ng mga tao. Nakaka beastmode! Nakaka pangit!



Nga pala Tyler, 7 months na since you promise me. So, 7 months minus 12 months equals 5 months na lang. Hanep! Bilis ah. Hindi ko nga rin pala nasabi sa kanila na hindi ako sasama sa Cebu. Mas gusto ko dito kasi nandito ka. Alam mo namang priority kita kaysa sa kanila. Saka magkakalat lang ako dun, dagdag gastos pa.



"What's that?" mabilis kong natiklop ang journal ko. Hayup! Umusog ako kasi umupo siya sa tabi ko. Pansin ko lang, pag ako lang mag-isa saka lang susulpot itong si Sebastian bigla. Pag marami naman kami palagi lang siyang nakasimangot. Hindi ba siya napapagod sa pagiging masungit niya?



"Ano na naman? Tapos ng trabaho ko! Tsupe!" kinumpas ko ang kamay sa ire. Nandito kasi ako sa quarter dahil may new uniforms na dumating. Yaman ng school namin noh, palaging may bago. Tumitig siya sakin kaya napairap ako.



"Practice."



"Ano?"



"Follow me." Tumayo siya saka kumuha ng bola. Padabog akong sumunod sa kanya. Pumasok siya sa gym saka ng practice. Langýa! Mag pa- practise lang ang dami pang pakulo. Umupo nalang ako sa isang bleachers saka nangalumbabang tumingin sa kanya.



Tyler, alam mo bang this past few days napapanaginipan kita? Totoo! Hindi ko nga lang makita yung mukha mo pero alam kong ikaw yun kasi naka number 6 eh. Kaya lang madalas nakikita kita kay Sebastian. Sorry! Ewan ko ba, para kasing may iba sa kanya eh.



"Hoy Cecelia!"



"ANO?" sigaw ko.



"Wag mo akong sigawan!" naningkit pa ang mata niya. Napa buntong-hininga ako.



"Okay! Ano yun?" Pabebe mode ako. Yuck! Sarap niyang pilipitin sa leeg.



"Wala." He shrugs his shoulder.



"Grrr! Kahit kailan feeling!" bulong ko na lang saka tumayo na. Hay naku! Ano ba kasing ginagawa ko dito eh bukas pa ang practice game. Maiwan na nga tong mongoloid na'to.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon