Chapter 23. "When reality bites"

1.3K 35 2
                                    


Bigla kong naidilat ang mata ko at tarantang nilibot ang paningin ko sa kwarto.


"Good morning Love!"



"Waaahhh. . .hmm" mabilis niyang tinakpan ang bibig ko pero nagpumiglas ako sa kadahilanang naka topless si Sebastian sa tabi ko. Take note, nakahiga siya sa tabi ko ng naka topless. Uwaahh! Natatawa pa siya habang nadadaganan na niya ako kaya mas lalo akong nagwala.



"Pag hindi ka pa tumigil I swear gagahasahin kita." Natatawang banta niya pero mabilis pa sa kidlat ang paghinto ko. Tuluyan na siyang tumawa sabay yakap sakin kahit may makapal na kumot sa pagitan namin. Hindi ko maintindihan kung bakit nandito ang hinayupak na'to.



"You look hot in the morning." Humagikgik pa siya at walang pasabing pinang gigilan ang pagsubsob sa leeg ko. Malakas ko siyang naitulak sabay talon sa kama.



"Anong. . . anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Layas!" singhal ko sa kanya sabay turo sa pinto. Umayos siya ng higa kaya napa-iwas ako ng tingin. OMO! Ang hot niya. Napailing ako sabay tapik sa pisngi ko. Shit! Masakit nga! Hindi to panaginip lang. Sisigaw ulit sana ko nang hablutin niya ang damit ko kaya natumba ako sa kanya. Hindi ko na nagawang kumilos ng sa isang iglap ay nasa ibabaw ko na siya. Lord! Sorry po!



"Don't tell me hindi mo natatandaan ang nangyari satin kagabi?" nakangising saad niya. Halos lumuwa ang mata ko dahil naglalakbay ang hintuturo niya sa pisngi ko. Walang hiya! Isa talaga siyang haliparot na lalaki. Napailing ako kaya mas lumawak ang ngisi niya.



"Tsup!" automatic ang pagtaas ng kamay ko pasampal sa kanya pero nahuli niya yun. "Oh uh! Huli ka!" tumawa siya ng malakas at walang pag-aalinlangan pinaghahalikan ang buong mukha ko. Wala akong nagawa kundi pumikit at magdasal ng Our Father. Huhuhu! Isa siyang makasalanang lalaki. Wala na! Wala na akong natirang puri! Inubos na niya lahat.



"Cecelia?" may sumingaw sa labas. Malakas kong naitulak si Sebastian kaya lumagapak siya sa sahig. Mag so-sorry sana ako pero biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Berto. Nataranta akong tumalon sa kung nasan si Sebastian at pasimple siyang sinipa papasok sa ilalim ng kama. Lintek!



"Oy."


"Oy ka rin! Hanep ah! Blooming?" lumapit siya sakin pero umatras ako at mas sinipa si Sebastian. I heard him wimp pero pasimple ko lang hinulog ang kumot para matabunan siya. Umupo ako sa kama saka inayos ang mga unan.


"Kakainan na ba tayo o mag swi-swiming na?" ngumiti pa ako ng ubod laki. Humiga naman si Berto sa kama at nag inat-inat. Gusto ko nang lumabas ng kwarto promise. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi dapat makita si Sebastian dito sa kwarto ko. Isa itong malaking pagkakamali.



"Excited ka ng mag 2 piece noh? Ikaw ha."

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon