Chapter 39. "Eye to eye"

889 23 0
                                    


When you choose to be happy pero paulit-ulit na sinasampal sayo ng reality na "Wag kang assuming, hindi ka Masaya!" I was like, "Excuse me! Stop acting like you know my pain. Stop acting you own it!" Pak Ganern!



But then again bumabalik pa rin talaga eh. It stays, as always. Kaya heto ako ngayon, nag-aabang dito sa entrance gate. Para kaming mga timang ni Berto na naka disguise outfit. Nakapang Arab attire ako. Ay mali. I'm from United Arab Emirates so I'm wearing a muslim attire na mata lang ang makikita. Mayaman ako eh, mahal ang dowry. United Nation Celebration ngayon eh, nakisabay lang sa occasion.



Pero si Berto, ang kupal na nilalang! Piniling maging Mr. Mexico with matching cowboy attire. Not to mention his famous sunglasses. Takte! Disguise ba yan o nagpapa-pogi lang siya kasi sinabihan siya ni Sasha na bagay sa kanya? Argh! Kinakabahan ako.



Ayon kasi sa source ni Sasha na ngayon daw, oo, ngayon mismo sa araw na'to pupunta ka dito. Aba! Hindi kita inabangan ha. Hindi ko nga siya pinakinggan nong time na sinasabi niya yon sakin eh. I was like, 'Pakialam ko!'



Pero sorry naman! Hindi na nga ako nakinig pero ang puso ko eh, epal to the maximum level. Ayaw paawat! Kaya ang ending gumawa kami ni Berto ng "Operation: Find the eyes of Sebastian". And since love ako ni Papa Jesus kaya tunuon niya dito sa UN chuchu. I so love United Nation and the whole world.



"Hoy Berto." Nanlaki ang mata ko sa tumatakbong si Tyrone palapit samin na ang get up e naka pang Portugal, na ang siste eh naka palda ang national costume (Goggle the portages costume). God! Saang lupalop ba nabibilang ang utak meron siya? Para siyang one of the Pirates of the Caribbean.



"Nasan si Cecelia?" tanong agad niya. Napaisog ako ng wala sa oras. Takte! Wag kang lumingon sakin Berto.



"Ha?" he pauses. Lang'ya! "Hindi ko alam. Ano nga bang costume ng lukaret na yon?" sabay kamot sa ulo niya. Hooh! Napahawak ako sa dibdib ko. Buti nalang! Effective talaga tong napili ko eh. Since mata lang ang nakikita kaya sympre nilagyan ko ng makapal na false eyelashes with matching eye liner pa. Makikilala mo pa kaya ako?



"Aish! Nasan na ba siya?" nagkamot din sa ulo si Tyrone at tiningnan lahat ng pumapasok sa gate. Napalingon sakin si Berto. Kinindatan ko siya, umakting siyang nasusuka. Taragis! Then bigla siyang tumayo at tinabihan si Tyrone sa pag-aabang sa mga pumapasok. Para na akong natatae na ewan kasi hindi ako mapakali.



"Oh my God! Is that Tyler?" sabay kaming tatlo na nanigas. Sila nanigas sa pagkakatayo samantalang ako eh nanigas ang mata sa pagkakatitig sa isang lalaking mabagal na naglalakad.



Love is undefined. Kumbaga walang eksaktong meaning. Clueless ka pa when it hits you. Dumadaan ka pa sa in denial stage, sandamakmak na questions at walang katapusang reasons and everything.

JERSEY No. 6  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon