Chapter 6 Past

827 44 2
                                    

Liam's POV

Naglalakad ako sa campus ng may nakita akong nagkukumpulan, parang nagkakagulo lalapit sana ko pero nakita ko si Kai. May karga siyang babae. Nagmamadali sila papuntang clinic ata. Ano kayang nangyari?

"Miss anong ngyari? Sino yung buhat ni Kai?" usisa ko sa babaeng naglalakad. Isa sa mga taong kanina nakikipagkumpulan. Nagsialisan na din kasi sila pag alis nila Kai.

"ah yun ba? Si Tonie yun nahimatay dinala nila sa clinic." Yung babae. Nakangiti pa siya sakin habang sinasabi yun. Nakuha pa talagang magpacute. Tss

"ahh ganun ba. Cge salamat." Tinap ko lang ang balikat niya. At umalis nako.

Papunta ako sa clinic ngayon. Habang papalapit nako nakita ko namang palabas si Kai ng clinic. Inaayus niya pa yung polo niyang medyo nagusot. Sa pagkakakarga siguro kanina. This is unbelievable. Carrying the women he hates. Napailing nalang ako. Nagtama ang paningin namin dalawa ng magkaharap kami. Ilang minuto din kaming nagkatitigan bago ako tuluyang pumasok sa clinic. I saw him smirk in my peripheral vision. Tinulungan niya si Tonie, yung babaeng kinaiinisan niya well I know its more than that. I know him, hindi niya pagaaksayahan ng panahon ang isang tao kung hindi siya interesado. Tulad nalang ng ginawa niya sa babaeng pinakamamahal ko.


Flashback

"Liam tara na punta na tayo sa bahay nila Kai" si Margareth kababata namin siya ni Kai. Pero kami ang magkaclose noon lagi kaming magkakasama, magkalaro anything under the sun. We are best buddies sa kalokohan. Si Marga kahit babae siya nakikisama pa din siya sa kalokohan namin ni Kai. Hanggang sa mahulog ang loob ko sa kanya.

"Marga, i think im inlove with you." nagulat siya sa sinabi ko. Mabait siya maganda at matalino. Sira ulo nalang ang lalaking hindi magkakagusto sa kanya.

"L-Liam ano ka ba we're friends. Alam mo confused ka lang" nakangiting sabi nito. Andito kami sa bahay nila Kai. Birthday ng ate ni Kai invited kami kaya andito kami. Ngayon ko din naisip na sabihin yung nararamdaman ko sa kanya.

"No Marga. Alam ko ang nararamdaman ko para sayo. Hindi ako nalilito tulad ng sinabi mo." Hinawakan ko ang kamay niya. Pero binawi niya ito.

"Liam. i like you and i love you as a friend. You're always there for me every time i need you. I'm always here for you also" lumapit siya sakin at inakap ako. Hindi ako makapagsalita. Tinaggihan niya ako.

"I'm inlove with someone else Liam. Sana maintindihan mo." Humiwalay siya sakin at umalis. Tinawag ko siya pero di siya lumingon.

Naglakad lakad ako para hanapin siya. Then i saw her.. with him. Nagtago ako para di nila ako makita.

" I love you Kai. Please be my Boy friend" rinig kong sabi nito kay Kai. Kaya pala hindi ako ang gusto niya dahil si Kai ang mahal niya. Noon pa man halata ko na yon pero si Kai wala naman siyang pakialam sa nararamdaman ni Marga. Kaibigan lang talaga ang turing nito sa kanya. Kilala ko si Kai kung hindi ka nya gusto, hindi ka niya gusto kung kaibigan ka hanggang kaibigan ka lang. Wala pa akong nakikitang sineryosong babae si Kai .

"What? wag ka ngang magpatawa Marga. Magkaibigan tayo. Hanggang dun nalang yon" anito sabay inom ng hawak nyang alak. Akmang aalis ito pero pinigilan ni Marga.

"Kai please. Subukan lang natin, mahal kita Kai ipaparamdam ko sayo na karapat dapat ako na maging GF mo" pag mamakaawa nito. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Paano niya nagagawang mag makaawa sa pagmamahal samantalang nandito ako para sa kanya. Napatingin lang sa kanya si Kai at parang nagiisip, kumiti siya ng nakakaloko.

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon