Tonie's POV
"Okay na kayo?" Tanong ni Mariah.
"Uhmm.. Okay naman na kami." sabi ko sabay sipsip sa straw ng iniinom kung juice.
Andito kami sa cafeteria. Vacant kaya dito muna kami tumambay ni Mariah. Mamaya lang may klase na ulit kami.
"As in kayo na ulit?" tanong niya ulit. Napatigil ako sa pag sipsip sa tanong niya.
"Uhmm.. Hindi pa ulit." iwas tingin kong sabi sa kanya. Narinig kong napasinghap siya sa sinabi ko.
"Bakit hindi pa? Pag katapos mong humabol sa kanya sa airport? Wow ha ibang klase ka din." sabi nito saka ininom yung juice niya.
"Tss. Paano magiging kami eh hindi naman niya ko tinatanong kung kami na ba ulit. Hindi niya ko tinanong okay." sabi ko nalang. Hindi naman talaga niya ko tinanong eh nag assume lang siya agad dapat tinanong niya ako para sigurado tsk.
"Alam mo ha para kayong baliw."
"Eh bakit baliw ka din naman ha! Baliw kay Gino hahaha!" pang aasar ko dito hahaha.
"Aish! Wag mo nga ibahin yung usapan! Mas baliw yun sakin! tsk." singhal nito. Napailing nalang ako.
Nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan at asaran ni Mariah ng mag ring yung phone ko.
Phone Convo
"Hello?" ako
"Hi sa pinaka magandang babae sa paningin ko. Hehe" si Kai. Napangiti ako.
"Aish! Bat sa paningin mo lang? Hindi lang naman ikaw ang tumitingin sakin ha!" natatawang sabi ko.
"Tsk. Ayokong may ibang titingin sayo! Gusto ko ako lang ang magagandahan sayo!"
"Peste wag kang sumigaw baliw ka ba?! Paanong ikaw lang ang.. Aish! Ewan ko sayo ibababa ko na!" kaasar napakaimposible ng taong to tss
"Teka! Wag mo ibaba may sasabihin ako." sira ulo talaga eh.
"Ano yon?!" singhal ko dito.
"Aish! Wag ka ngang sumigaw sakit sa tenga!"
"Natural na ganito ang boses ko pag ikaw ang kausap ko eh!" pigil tawa kong sabi. Para nanaman kaming aso't pusa hahaha.
"Aish! O sya. Magpapaalam sana ako." napataas ang isang kilay ko.
"Ano yon?"
"Ah aalis ako mamayang gabi. Kasama ko sila Gino may reunion kasi kami ng mga kaklase namin nung high school." paalam nito.
"Saan?" tanong ko.
"Sa Bar na malapit--" pinutol ko yung sasabihin niya.
"Bat hindi nalang sa bar ni Gino?"
"Hindi pwede kasi may Bar na napagusapan saka yung iba malayo na din sa bar ni Gino." dahilan nito.
"May babae?" tanong ko ulit. Baka mambababae lang siya don nako!
"Ah meron syempre. Pero wag kang magalala hindi ako mambababae." sabi nito. Kahit hindi ko siya nakikita nararamdaman kong nakangiti siya tss.
"Siguraduhin mo lang!" singhal ko dito
"Uyyy.. Nagseselos yiee." Pang aasar nito.
"Aba't hoy! Hindi ako nagseselos!"
"Ayieee."
BINABASA MO ANG
Love & Blood
Fiksi PenggemarSabi nga nila blood is thicker than water. Na mas matimbang parin ang kadugo kesa sa ibang tao. Pero...... pano pag puso na ang umeksena? Blood is thicker parin ba? O Love is thicker than blood na?