Chapter 28 Moira Jean

574 49 21
                                    


Tonie's POV

"Hello mga bakla!" masayang bati ko kina Mickey at Yhanie. Dito kami nagkikita kita sa mini park pag wala kaming klase.

"Ay oh mukang iba ang aura mo ngayon aa?" si bakla.

"Oo nga.. Mukang maganda ang gising yieee" si Yhanie sabay sundot sa tagiliran ko.

"Ano ba baliw nanaman kayo eh." Napangiti ako yieee. Naalala ko nanaman yung kagabi. Kinantahan niya ako hanggang sa nakatulugan ko na.

"Ayan oh napapangiti hahahaha" pang aasar ni Mickey.

"Siguro sila na.. Kyaaahhh!! Sinagot mo na ba?" biglang tanong ni yhanie. Napakunot naman ang noo ko.

"Di no! Phs."

"Medyo mabagal din yang si Kai sa totoong buhay ha!" Taas kilay na sabi ni bakla.

"Hindi naman siguro humahanap lang ng magandang tyempo si Kai" Pagtatanggol naman ni Yhanie.

"Haaaaayyyyyy...." buntong hininga ko.

"Ang lalim ah! San mo hinugot yan?" si bakla at nagtawanan ang dalawa. Inirapan ko nalang sila. Nagtext si Kai na hindi siya ulet makakapasok. Susunduin niya daw kapatid niya sa Airport ngayon. Ngayon nga pala ang birthday ng kapatid niya. Ano kaya itsura niya? Mabait kaya siya? Mataray? Napailing nalang ako sa naisip ko.

_______

Third person's POV

Nasa tambayan si Earl at Gino ngayon. Wala si Kai dahil ngayon ang dating ng kapatid niya. Sinundo niya ito sa Airport.

"Di nga tol? Ikakasal ka na?" Hindi makapaniwalang tanong ni Earl kay Gino. Napasabunot naman ng ulo si Gino bago nagsalita.

"Oo tol! Pero hindi pa naman ngayon. Haist!" halos di maipinta ang mukha ni Gino.

"Paano? Sino? Paano na yung mga chicks mo? Hahaha" pang aasar ni Earl.

"Haist! Ewan ko hindi ko pa kilala! Arrrggg!!! Kinausap ako nila Dad at Mom kagabi i a arrange marriage nila ako. Badtrip!" Napanganga naman si Earl dahil hindi ito makapaniwala sa narinig kay Gino.

"What?! Really? Uso pa pala yang arrange marriage na yan?" Takang tanong ni Earl.

Napahilamos naman ng mukha si Gino bago nag salita.

"Uso yon sa mga gwapo tol!" si Gino.

"Hayop na yan! Bat exempted ako? Hahahaha!" natatawang sabi ni Earl.

Binato niya ito ng unan sa mukha "Aray! Hahaha karma na yan tol magaasawa ka ng maaga para hindi ka na daw makapang babae!" pang bubwiset ni Earl.

"Tsk! Sira ulo!"

Panay lang ang asaran ng dalawa ng bumukas yung pinto. Gulat na napatingin yung dalawa kung sino yung dumating.

"MJ!" gulat na bulalas ng dalawa sa babaeng pumasok sa pinto.

"Hi boys!" Nakangiting bati ni MJ ang kapatid ni Kai. Isa isa namang yumakap si Earl at Gino sa kanya.

"Happy birthday MJ!" Bati ni Earl at Gino.

"Salamat!" nakangiting tugon ni nito.

Actually matanda lang ng 2 taon si MJ sa kanila kaya lang ayaw nito magpatawag ng ate lalo na sa mga lalaki. Napalingon naman si Gino sa likod nito.

"Nasan si Kai? Di ba sinundo ka niya?" takang tanong ni Gino.

"Napa aga ang flight ko. Ayoko maghintay sa kanya" simpleng tugon nito saka umupo sa sofa at itinaas ang paa sa center table.

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon