Tonie's POV
Nasa byahe na kami pabalik ng manila. Pasulyap sulyap ako kay KaiKai seryoso lang siyang nagdadrive. Napangiti ako nung maalala ko yung kagabi.. Yung first kiss namin kyaaaaaaaaahhhh!!!! Napahawak ako sa pisnge ko feeling ko ampula pula na nito. Nakita kong napangiti si Kai.
"May naalala ka no?" nakangising sabi nito.
"H-ha? W-wala no." iwas tingin kong sabi.
"Ayiiiieee.. Naalala niya yung kiss ko." kyaaahhh!!! Sira ulo talaga!
"Aray! Anu ba gusto mo bang mabangga tayo? Sabagay nahalikan mo na ko pwede ka ng.. Aish! Anu ba!" Pinaghahampas ko siya ng maliit na unan nakakainis! He's teasing me!
"Baliw ka nanaman!" asik ko dito.
"Baliw sa halik mo. Hahahaha" Aaaarrggg!!
"Sira ulo!" singhal ko. Tawa lang siya ng tawa. Tumalikod nalang ako sa kanya at lihim na napangiti kyaaaahhhh!!
Naimulat ko yung mata ko. Nakatulog pala ako sa haba ng byahe.
"Sige umalis na kayo jan ha. Malapit na kami bye." narinig kong sabi ni Kai kabababa niya lang ng phone niya.
"Sino yung kausap mo?" Tanong ko.
"Uhmm. Si Liam may sinabi lang ako." sagot niya na hindi tumitingin sakin. Buti at okay na sila ni Liam. Napasandal nalang ako sa kinauupuan ko. Nag stop over kami para bumili ng pizza siya nalang yung bumaba bumalik din naman ito agad. Nagbyahe na kami ulet. Kumakain ako ng chips sinusubuan ko naman siya.
"Nandito na tayo." sabi niya habang nagpapark. Asan ba kami di ko na namalayan kung saan kami pupunta tss.
"Asan tayo Kaikai?" tanong ko. Bumaba siya at pinagbuksan ako. Bumaba na din ako bitbit yung pizza na binili niya. Ipapaakyat nalang daw niya ibang gamit namin.
"May surprise ako sayo." Nakangiting sambit nito at inaya ako papasok sa elevator nitong building. Teka condo ba to?
"B-bakit may surprised ka nanaman tapos na yung monthsary natin ha." aniko. Nasa loob na kami ng elevator pinindot niya yung 11th floor.
"Tss. Kelangan ba twing may okasyon lang ang pag surprise." sambit nito. Sabagay may point siya. Huminto yung elevator sa 6th floor. May mga pumasok din kaya medyo siksikan.
"Dito ka sa likod ko para di ka mabangga." utos niya. Sumunod naman din ako. Napaka protective niya talaga lihim nanamang nagdiwang ang puso ko. Di ko napigilang amuyin yung likod niya ang bango hihihi.
Huminto na yung elevator sa 11th floor kaya bumaba na kami. Naglakad na kami condo nga ito ano naman ang ginagawa namin dito? Tss. Hiunila ko yung damit niya.
"Kaikai. Anong gagawin natin dito?" tanong ko.
"Easy ka lang jan mylove." Nakangising sabi niya. Huminto kami sa room 1112.
"Handa ka na ba?" tanong niya. Nag nod nalang ako kahit kinakabahan ako.
Unti unti niyang binuksan yung pinto ng condo unit.
"Surp---." Naputol yung sasabihin niya ng biglang may pumutok na confetti sa harap namin.
"Surprised!!!!!!" Sigawan nila. Yaaaahhhh!! Andito sila! Si Earl,Gino, Yhanie, Mickey, Mariah, Liam and Marga.
BINABASA MO ANG
Love & Blood
FanfictionSabi nga nila blood is thicker than water. Na mas matimbang parin ang kadugo kesa sa ibang tao. Pero...... pano pag puso na ang umeksena? Blood is thicker parin ba? O Love is thicker than blood na?