Kai's POV
"Tonie! Kausapin mo ko please mahal na mahal kita!" Sigaw ko sa labas ng gate nila. Kagagaling lang namin sa Bar ni Gino. Kala ko kaya ng alak burahin lahat ng sakit na nararamdaman ko pero hindi. Bawat araw na lumilipas na hindi ko siya mahawakan, mayakap at mahalikan parang dinudurog yung puso ko!
"Tol tara na. Nakakabulabog na tayo sa mga kapit bahay." Awat ni Gino.
"Uulan na tol tara na." si Earl. Pero hindi ko sila pinakinggan. Alam kong naririnig ako ni Tonie!
"Tonie please wag mo kong iwan please mahal na mahal kita!" Sigaw ko habang kinakalampag yung gate nila.
"Shit! Umuulan na Kai! Tara na!" sigaw nila. Bumuhos na nga yung ulan. Basang basa nako pero wala akong paki alam.
"Umalis na kayo pabayaan niyo na ko!" sigaw ko sa kanila. Saka naupo sa harap ng gate nila Tonie.
Wala din silang nagawa dahil hindi ako umalis sa pagkakaupo ko don. Hindi din naman nila ako iniwan kahit basang basa na din sila. Haist!
__________
Tonie's POV
"Anak hindi mo ba siya lalabasin?" Si Mama habang hinahagod yung likod ko. Rinig na rinig ko yung boses niya sa labas ng kwarto ko. Kahit malakas pa ang buhos ng ulan.
"Ayokong makita siyang ganon Ma. Nahihirapan ako lalo lang akong nasasaktan." Hagulgol ko. Narinig kong napabuntong hininga nalang si Mama. Ayoko siyang makita sa ngayon. Gusto ko pag nakita ko siya wala na akong mararamdamang sakit.
__________
Liam's POV
Nandito ako sa labas ng pinto ng condo ni Marga ngayon. Pinuntahan ko siya dahil magiisang linggo na hindi siya pumapasok at hindi nagpaparamdim samin lalo na sa akin nagaalala nako kaya pinuntahan ko siya.
Kanina pa ko buzzer ng buzzer pero walang nagbubukas ng pinto. Tsk Asan na ba siya! Napasandal ako sa may pinto niya.
"Iho, anong hinihintay mo jan?" biglang tanong nung matandang kalalabas lang sa pinto. Sa kabilang unit lang siya nakatira.
"Ah. May tao po ba dito? Kanina pa kasi ako katok ng katok walang nagbubukas." tanong ko sa matandang babae.
"Nako wala ng nakatira jan iho. Actually medyo kaaalis lang niya mga ilang oras bago ka dumating." sabi nung matanda na kinagulat ko. Umalis siya? Bakit?
"A-ah ganun po ba? Sige po salamat." Dali dali ankong sumakay sa elevator at lumabas ng bulding na to. Shit! Marga asan ka?! Nahampas ko yung manibela ng sasakyan ko. Tinatawagan ko siya kanina pa hindi siya sumasagot. Haist.
BINABASA MO ANG
Love & Blood
FanfictionSabi nga nila blood is thicker than water. Na mas matimbang parin ang kadugo kesa sa ibang tao. Pero...... pano pag puso na ang umeksena? Blood is thicker parin ba? O Love is thicker than blood na?