Chapter 19 New friend

613 46 46
                                    

Tonie's POV


Parang wala ako sa sariling naglalakad naiisip ko si Kai ilang araw ko na din siyang hindi nakikita haist. Medyo maaga pa naman kaya naisipan kong maglakad lakad sa corridors ng University. Sa laki ba naman nito hindi ko pa nalilibot to. Habang naglalakad ako dahil nga parang lutang ako dahil sa mga iniisip ko may bumangga sakin.


"Ouch!" sabay na sabi namin natumba siya kaya tinulungan ko siyang tumayo. Muka siyang takot at gulo gulo yung buhok niya.

"Okay ka lang miss?" tanong ko sa kanya pero hindi na siya na kasagot.

"Hoy! Ayon siya dali habulin ninyo!" sigaw ng lalaki at biglang tumakbo yung babae dahil hinabol siya ng dalawang lalaki. Pero hindi pa siya nakakalayo naabutan na agad siya nung dalawang lalaki at hinila siya sa braso. Tsk bullies!

"Aray! Bitiwan niyo ko ano ba!" Pag mamakaawa nung babae.

Teka! Parang kilala ko tong lalaking to ah napatingin ako sa lalaking nagutos dun sa dalawa papalapit ito sa babae.

"Huwag ka ng pumalag baby girl." sabi nung lalaki. Wala masyadong dumadaan sa part na to ng corridor napadpad lang din ako dito sa paglalakad ko.

"Huwag!!!!" sigaw ng babae para naman akong natauhan. Dali dali akong pumunta sa kanila kinuha ko yung kahoy na nakita ko sa gilid ng pinto.

"Itigil niyo yan!" sigaw ko bigla naman silang napatigil at napaharap sakin. Nakita kong nag smirk yung lalaking medyo matangkad. Tama! Siya yon yung lalaking nakaalitan ni Mickey dati tsk.

"Ikaw nanaman?! Tsk pakialamera ka talagang babae ka ha! Hawakan nyo din siya bilis!" utos nito sa isang kasama niya. Agad naman akong sinugod non bago pa niya ako mahawakan winasiwas ko na yung hawak kong kahoy at tinamaan siya sa braso!

"Aray!" Napahawak ito sa braso niya. Agad ding sumugod yung isang lalaki nahablot niya yung kamay ko na may hawak ng kahoy pero agad ko siyang sinipa sa tuhod kaya nabitawan niya din ako.

"Yaaaahhhh!!!!" Tinaas ko yung hawak kong kahoy para hambalusin sila pero bago ko maipalo sa kanila bigla silang nagsitakbuhan tsk. mga duwag!

"hoy! Magsibalik kayo!" Tawag sa kanila nung lalaki. Siya nalang magisa unti unti akong lumapit sa kanya. Paatras naman siya ng paatras.

"May araw ka ding babae ka!" sigaw nito bago tumakbo.

"Duwag!" sigaw ko sa kanya. Tsk sira ulo. Tinapon ko yung kahoy na hawak ko saka nilapitan yung babae, inalalayan siyang tumayo.

"Salamat." anito habang inaayos yung damit niya.

"Wala yon. Bago ka ba dito?" tanong ko.

"Ha? Hindi matagal nako dito di lang tayo siguro nagkikita" nakangiting sagot niya. Sabagay sa laki ng school nato hindi ko naman nakikita lahat ng studyante dito. Napatango tango nalang din ako.


Sabay na kaming naglakad paalis don. Nagkukwento lang siya kung bakit siya hinahabol nung grupo ng mga bullies na yon. Erick pala ang pangalan nung parang leader nila may gusto pala sa kanya yon pero lagi niya daw iniiwasan at hindi pinapansin. Tsk mga sira ulo talaga mga lalaki.


"Tonie!" Bigla kaming napalingon sa tumawag.

"Hey Mickey!" hinihingal pa si bakla.

"Kanina pa kita hinahanap! san ka nanaman naglamyerda!" napatingin siya sa kasama ko.

"Ah nga pala si ano.." ano nga pala pangalan nito hindi ko naitanong tss.

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon