Third Person's POV
"Aaaahhhh!!!!" sigaw ni Kai sa loob ng kwarto niya habang panay ang tapon at basag ng mga gamit na makita at mahawakan nito. Pagkaalis niya sa bahay nila Tonie dumeretso siya sa mansion nila. Tinungo niya agad yung kwarto niya at nilock iyon.
"Senyorito! Anong nangyayari sa inyo?" sigaw ni Manang Lita sa labas ng pinto ng kwarto ni Kai. Kasama din nito ang ibang katulong. Nagaalala sila dahil nagkakalabugan sa loob ng kwarto at panay ang sigaw ni Kai.
"Leaved me alone! Aaahhhhh!" sigaw ni Kai. Sobrang sakit at sama ng loob ang nararamdaman niya ngayon dahil sa nangyari sa kanila ni Tonie.
"Senyorito anak. Andito si Nanay lita buksan mo itong pinto!" pagmamakaawa ng matandang tagapamahala ng mansion. Sobrang nagaalala na ito pati na din ang ibang kasambahay kay Kai.
Samantala tinawagan naman ni Manang Lita si MJ ang kapatid ni Kai. Bilin din kasi nito na tawagan siya kung may problema at kung may nangyari kay Kai.
Phone convo
"H-Hello senyorita MJ! Naku si Kai nagwawala ayaw magpapigil kanina pa siya sa loob ng kwarto niya hindi lumalabas!" nagaalalang sabi ng matanda nung sinagot ni MJ yung tawag nito.
"What? Kelan pa anong nangyari?" sagot naman ni MJ sa kabilang linya.
"Hindi po namin alam senyorita. Pag uwe niya dito naglocked na siya agad ng pinto ng kwarto niya! Kakatukin sana namin para kumain pero nakarinig kami ng mga kalabog sa loob ng kwarto."
"Buksan niyo may susi kayo diba?"
"Ayaw niya po nagagalit siya wag daw namin bubuksan. Hindi na po namin alam ang gagawin namin."
"Haist! Sira ulo talaga yan. Nasa Europe ako ngayun Nay lita. I'm with dad hindi agad ako makakapunta jan."
"Paano po yan nagaalala na po kami." Napabuntong hininga muna si MJ bago nagsalita.
"Pabayaan niyo muna siya Nay Lita. Mapapagod din yan. Pag balik ko kakaltukan ko yan wag na kayong magalala malaki na yan." sabi nito.
Natapos na din silang magusap ni MJ. Medyo wala na din silang naririnig na kalabog sa loob ng kwarto ni Kai.
______
Sa University
"Tol ano nakontak mo na ba?" tanong ni Earl kay Gino. Kahapon pa nila hindi makontak si Kai. Hindi din ito pumasok ngayon.
"Hindi ko pa din makontak! Tara puntahan natin si Tonie." aya nito kay Earl.
Pinuntahan nila yung room nila Tonie.
BINABASA MO ANG
Love & Blood
FanfictionSabi nga nila blood is thicker than water. Na mas matimbang parin ang kadugo kesa sa ibang tao. Pero...... pano pag puso na ang umeksena? Blood is thicker parin ba? O Love is thicker than blood na?