Chapter 29 Wonderful Tonight

617 57 20
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tonie's POV

Katatapos ko lang maligo. Tumingin ako sa salamin at sinuklay yung buhok ko. Naalala ko yung box! Bat nakalimutan ko yun tss. Kinuha ko yung box na binigay ni Kai. Binuksan ko yun at kinuha yung laman. Yung bracelet ko.. ang tagal kong hinanap to nasa kanya lang pala pero paano napunta sa kanya to? tatanungin ko nalang mamaya. Isinuot ko yung bracelet ko saka bumaba na sa sala.

Pababa pa lang ako maingay na sa baba. May boses bakla akong naririnig pero hin si Mickey yon.

"Bella anak halika na dito bilis aayusan ka ni bading!" tawag ni mama sakin.

"Ay Mother makabading ka naman! Marimar nalang ang itawag mo sa akin!" pagtataray ni baklang bading hahaha. Natawa nalang ako saka umupo sa harap niya.

"Ayusin mo yan Marimar ha! Wag mo lagyan ng bangs isan tabi mo muna yan" si Mama talaga tss

"Yes mother ako ng bahala isang kumpas ko lang yan!." si Marimar na bakla lol. Narinig kong umakyat ng hagdan si Mama. Napapikit ako habang inaayusan ni bakla.

"Ayan bongga ka na! Yan ang tinatawag na No make up look charot! Hahahaha!" Natatawang sabi ni bakla kinuha ko naman yung salamin at tinignan ko ang sarili ko. Wala na nga yung bangs kong may mahika hahahaha! Hindi makapal ang make up ko tama lang simple lang. Napangiti ako.

"Thanks Marimar mukha nakong diwata char char lang! Hahahaha" sabi ko kay bakla.

"Yaaaann! Mother oh sight mo na ang anakis mo!" Tawag ni bakla kay Mama na pababa ng hagdan.

"Waw! Iba talaga ang lahing maganda kahit hindi makapal ang make-up lutang parin!"

"Kuraktung sa banana mother!" at nag apiran silang dalawa. Napailing nalang ako.

"Oh anak isuot mo na itong gown mo dali!!!" iniabot niya sa akin yung itim na gown.

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon