Kai's POV
Flash back
Kagigising ko lang hayyyys sakit ng ulo ko. Naparami talaga ko ng inom kagabi. Bumangon nako sa kama at dumeretso sa CR. Naligo na din ako bago bumaba sa kitchen nagugutom nako ugh tanghali na pala.
"Good Afternoon sir Kai, nakahanda na po ang pagkain nyo" nag nod lang ako saka umupo sa dining area. Habang kumakain ako biglang dumating si Margareth tsk. Lalong sumakit ang ulo ko haist! Dumeretso ito papunta sakin saka humalik sa pisnge ko.
"Hi baby! May dala akong pagkain for you ako nagluto niyan" nilapag niya yung pagkain na dala niya sa mesa.
"Ah nay lita paki timpla naman po ako ng kape" utos ko sa isang maid na nakatayo malapit sa likod ko. Medyo may edad na siya kaya nay ang tawag ko, siya na din ang nagalaga sakin simula bata pako. Sabi ko sa kanya wag na niya akong tawaging sir pero ayaw niya tss nasanay na daw siya.
"Wag na manang ako na na magtitimpla" nakangiting pigil ni Marga.
"Marga! Hindi ikaw ang inuutusan ko!" Napataas ang boses ko. Napatigil lang siya saka lumapit sakin.
"Baby, gusto lang naman kitang pagsilbihan ee" ugh! Baby what the hell! tumabi siya sakin saka kumapit sa braso ko. Tumayo ako at umakyat pa punta sa kwarto ko. Isasara ko na sana yung pinto pero nakasunod pala sakin si Marga.
BINABASA MO ANG
Love & Blood
FanfictionSabi nga nila blood is thicker than water. Na mas matimbang parin ang kadugo kesa sa ibang tao. Pero...... pano pag puso na ang umeksena? Blood is thicker parin ba? O Love is thicker than blood na?