Liam's POV
Nakatayo ako sa salaminan habang inaayos yung buhok ko. Pasukan nanaman pala. Ang saya at naging makabuluhan ang weekend ko. Napangiti ako. Kinuha ko yung camera ko sa aparador at tinignan yung mga shot's kagabi. Yung mga pictures namin sa enchanted kingdom at yung mga picture ni Tonie sa Geek. Napangiti ako. Ang gaganda ng kuha niya photogenic siya at marunong din umanggulo sa camera. Binalik ko na ulit sa aparador yung camera then umalis na din ako para pumasok sa school.
Pinark ko na yung sasakyan ko. Nakarating nako sa University. Medyo makulimlim nanaman. Tag ulan na din kasi. Nagklase lang kami ngayong araw at meeting ulit sa photography club. Asan kaya si Tonie? Hindi ko siya nakita sa rooftop nung nagpunta ako.
Naglalakad nako sa campus malayo pa ako sa principal's office ng makita ko yung babaeng kalalabas lang sa pinto. Parang naistatwa ako... Para akong nakakita ng multo... Hindi maaari... She's here...
"Marga!" hindi ko napigilang sumigaw nung medyo malayo na siya. Nakita kong napahinto siya sa paglalakad. Nakatalikod lang siya. Unti unti siyang humarap sakin. Parang nabigla siya nung makita niya ako. Naglakad siya ng mabilis damn!
"Marga! Sandali!" hinabol ko siya. Lakad takbo na yung ginagawa niya para hindi ko siya maabutan tsk! palabas na siya ng University kaya binilisan ko na din ang pag takbo. Pumasok na siya sa kotse niya fuck! Naabutan ko yung kotse niya.
"Marga!" kinakalampag ko yung kotse niya. Umandar na ito pero hinabol ko pa din. Hindi pa namn mabilis yung pag papatakbo niya.
"Marga! Sandali!" Habol ko pa din pinagtitinginan na ako ng ibang estudyante. Aish! Please don't go!
"Ihinto mo to!" Halos hindi ko na siya mahabol. Hanggang sa biglang kumulog at bumagsak na ang ulan. Humahabol pa din ako sa kanya.
"MARGAAAAAAA!!!" huling sigaw ko saka huminto na sa pagtakbo. Basang basa nako. Napayuko ako at napahawak sa magkabilang tuhod ko. Hinihingal pako. Ang sakit na ng mga paa ko. Ramdam ko ang pagbagsak ng ulan sa katawan ko. Nagbalik siya.. She's alive! Pero bakit.. Paano.. Biglang may kumirot sa dibdib ko.
Natigilan ako ng may isang pares ng sapatos na huminto sa harap ko. Ramdam ko din na hindi nako nababasa ng ulan.
Unti unti kong inangat yung paningin ko sa kanya.
"M-marga" mahinang sambit ko. Nakatakip ang isang kamay niya sa bibig niya na parang pinipigilan niya yung pagiyak niya. Parang bumalik yung sakit sakin. Yung sakit ng pag kawala niya. Hindi ko na napigilan yung sarili ko at yinakap ko siya ng mahigpit. Nabitawan niya yung payong na hawak niya.
Hindi ako namamalik mata. Hindi ako minumulto. Totoong buhay siya. Ramdam ko yung init ng katawan niya. Lalo kong hinigpitan yung yakap ko sa kanya. Yung yakap na parang ayaw ko na siyang pakawalan pa. Ang tagal kong hiniling to. Ngayon nandito na siya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naghalohalo na lahat ng pakiramdam. Yung sakit na naramdaman ko noong nawala siya at ang kaligayahang nadarama ko ngayon sa pagbabalik niya.
Lumuwag na yung pagkakayakap ko sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa. Hinaplos ko yung maganda niyang mukha.
"Y-you're alive" utal kong sambit. Nag nod lang siya at humuhikbing yumakap ulit sakin. Ramdam kong nanginginig na siya sa lamig. Basang basa na kami. Pumasok na kami sa sasakyan niya.
Ako na ang nag drive. Tinuro nalang niya yung tinutuluyan niya. Madami siyang ipapaliwanag sa akin. Haist.
_________
Nandito kami ngayon sa tinutuluyan niyang condo.
"Kelan pa? I mean. Paano? Akala ko wala ka na?" sunud sunod na tanong ko. Nakaupo kami parehas sa kama. Naka robe lang ako pero may boxer short sa loob buti hindi naman nabasa yon dahil makapal ang pantalon ko. Wala naman akong damit dito. Nakapag bihis na siya at pinapatuyo yung buhok niya. Napahinto siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin.
"Ano ba ang gusto mong unahin ko Li?" Nakangiti niyang tanong sakin. Lumapit ito sa akin saka hinawakan yung kamay ko.
"Na comma ako Li.. Halos ilang buwan din bago ako nagising. Maswerte nga ako at nagising pa ko. Yung ibang nacocomma taon bago magising. Worst hindi na nagigising." Simulang kwento niya. Napatungo siya.
"Pinalabas lang nilang patay nako. Si Dad ayaw na niya akong pabalikin dito dahil sa aksidente. Pero matigas ang ulo ko. Ayoko sa Thailand Li.." Maiiyak nanaman siya kaya agad ko siyang hinila palapit sakin at yinakap.
"Sshh tahan na. Stop crying. Para kang bata." natatawa kong sabi. Pinalo naman ako nito sa braso. Napabuntong hininga ako.
"Bakit ka tumakbo nung tinatawag kita? Ayaw mo bang magpakita sakin? Tignan mo mukha tuloy tayong basang sisiw parehas hehe" Natatawa kong sabi. Kumalas na siya sa pagkakayakap sakin.
"Tss. Hindi naman. Parang hindi pa lang ako handa na magpakita sayo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko" sabi niya.
"Ganon! Tss." Nagulat ako ng bigla niya akong dambahin kaya parehas kaming napahiga sa kama. Nasa ibabaw ko siya ngayon kaya kitang kita ko yung mukha niya. Nagkatitigan kaming dalawa. parang yung mga mata namin ang naguusap. Lalo siyang gumanda. Nilagay ko yung ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga niya.
"Namiss kita... Sobra.." mahinang sabi ko na sapat lang para marinig niya at mapangiti.
"Namiss din kita Li... Miss na miss" pagkasabi niya non pinagbaliktad ko yung pwesto namin. Hinaplos ko yung pisngi nya. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Parang gusto ng sumabog. Sobrang miss na miss ko na siya. Kahit noon pa man hindi naman nawala yung nararamdaman ko para sa kanya.
I trace my finger to her fore head down to the bridge of her nose and stop to her lips. Napapikit siya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
"C-can i kiss you?" utal kong tanong.. Idinilat niya yung mga mata niya.. Nag nod lang siya saka ngumiti..
Unti unti kong nilapit yung mukha ko sa kanya.. Then my lips touches her lips. Sobrang kabog ng dibdib ko.
She's my first kiss. I love her so damn much. Naramdaman ko yung kamay niya sa likod ko as i nimble her lower lips. I kiss her passionately hanggang sa lumalim na yung halik namin sa isa't isa. Gumapang yung halik ko sa jaw line niya pababa sa leeg niya. Narinig kong nag moan siya. Lalong naginit yung pakiramdam ko.
Tok
tok
tok!
"Shit!" napabalikwas ako ng bangon. Muntik na. Aish! Natatawa namang tumayo si Marga papunta sa pinto.
Pagbalik niya dala na niya yung mga damit na pinalaundry kanina. Yung mga damit ko. Haist!
________
Wew! Muntik na ang SPG! Sobrang Pak Ganern! LOL
BINABASA MO ANG
Love & Blood
FanfictionSabi nga nila blood is thicker than water. Na mas matimbang parin ang kadugo kesa sa ibang tao. Pero...... pano pag puso na ang umeksena? Blood is thicker parin ba? O Love is thicker than blood na?