Chapter 24 Just the 3 of Us (2)

502 45 9
                                    

Kai's POV


Ang saya ko ngayon kasi may lakad kami ni Tonie. Maaga akong nagpunta sa bahay nila. Nagulat pako dahil halos parehas pa kami ng suot na polo. Parang parehas kami ng iniisip hahahaha!..


Paalis na sana kami ng may humintong itim na sasakyan sa tapat namin. Napakunot ako ng noo nung bumaba yung may ari non tss. Si Liam.


"Hi Tonie" Nakangiting bati ni Liam kay Tonie. Tinignan lang ako nito tas bumalik na kay Tonie yung atensyon niya.

"Bago?" Tanong ni Tonie referring to his car tss.

"Ah eh hindi naman. Sira kasi yung truck ko eh." Tumingin siya sakin na parang ako yung may kasalanan. Tss buti nga yun lang ginawa ko eh! Dapat nga dudurugin ko yung sasakyan niya sa pagka badtrip ko sa kanya! Tsk

"hehehe ganun ba? Uhmm.. bat ka nga pala nandito?" si Tonie.

"Ah iinvite sana kita. May bago kasi kaming project ng Team. Sa photography yun ah gusto sana kitang gawing Model. Sabi kasi fresh faces yung kunin. Ikaw lang unang pumasok sa isip ko hehe" Automatikong nagsalubong yung dalawang kilay ko sa sinabi niya. Ang dami daming babae jan bat si Tonie pa! Masyado talagang paepal tong lalaking to nakaka asar!

" Ha? eh grabe nakakahiya naman. Alam m--"

"Hindi pwede may pupuntahan kami!" Putol ko sa sasabihin ni Tonie. Sinamaan naman ako ng tingin nito tss kainis talaga!

"Ganun ba? Mamayang gabi pa naman yon Tonie eh." Aish! Ibang klase talaga tong ugok na to masyadong mapilit! Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa nakabulagta to aish!

"Ah eh----"

"Hindi pwede! Gabi na yon!" sigaw ko! Nagiinit nanaman ang ulo ko tsk

"Bakit ba ikaw ang sumasagot?" biglang sabi ni Liam sakin. Bigla namang nagpanting yung tenga ko lalapitan ko sana siya pero humarang agad si Tonie! Kaasar talaga bat niya bako pinipigilan babangasan ko mukha nitong lalaking to!

"Ah Liam may pupuntahan kasi kami ni Kai ngayon. Kung mamayang gabi pa yon sige okay lang hehe"

"What?!!" Napalakas yung boses ko kaya agad tinakpan ni Tonie yung bibig ko! Bat di siya makatanggi sa hayup na to!

"Ano ka ba ngayon lang naman to tss." mahinang sabi ni Tonie sakin. Tss

"San ba kayo pupunta?" tanong ni Liam sabay tumingin sakin ng nakakaloko.

"Pwede bang sumama?" Nagulat ako what??!!! Hinihintay ko yung sasabihin ni Tonie. Tinignan ko siya ng masama. Wag kang papayag!

"Sige na please. Wala kasi akong gagawin sa bahay nakakaboring." Paawa effect ang hinayupak kaka beast mode amp!

"S-sige na nga." Napahawak ako sa noo ko sa sagot ni Tonie. Parang sumakit yung ulo ko sa pagka inis! Nagulat ako nung biglabg hinawakan ni Tonie yung kamay ko. Parang medyo kumalma yung pakiramdam ko. Tinignan ko lang siya. Pero nababadtrip pa din ako!

"Isama na natin Kai. Ngayon lang naman" mahinang pakiusap nito sakin. Haist Ano pa nga bang magagawa ko! Napabuntong hininga nalang ako. Tinignan ko lang ng masama si Liam masyadong kampanteng nakasandal sa sasakyan niya pag ako hindi nakapag pigil wawasakin ko yan sa harap niya!

"O sya!" Nasabi ko nalang! Aish!

"Tara na!" Aya naman ni Tonie. Tss


Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon