Chapter 17 Stay.....Away

640 52 24
                                    

Tonie's POV

I LIKE YOU TONIE

I LIKE YOU TONIE

I LIKE YOU TONIE

Napabalikwas ako sa pagkakahiga. Hindi ako makatulog paulit ulit sa utak ko yung nangyari kanina at yung sinabi niyang gusto niya ako.

Flash back earlier

Hinatid ako ni Kai sa bahay. Si Mickey sana ang maghahatid sakin kaya lang nalasing si bakla! Hinatid nalang siya nila Gino sa bahay nila nag convoy nalang sila ni Earl para maiuwe yung sasakyan ni Mickey. HIndi kami naguusap sa biyahe pero ramdam kong may gusto siyang sabihin. Panay ang sulyap niya sakin. Sa wakas nakarating na kami sa bahay ginabi na din kami. Pinagbuksan niya ko ng pinto saka ako bumaba.

"Salamat sa paghatid" nahihiyang sabi ko.

"Anytime Tonie. Kung gusto mo araw araw pa kita ihatid at sunduin" nakangiting sabi niya. Kinilig nanaman ako yieeee badtrip napakagat nanaman ako sa labi ko pero tinanggal ko din agad nung nakita kong napaiwas nanaman siya ng tingin sakin. Bakit kaya hmp!

"Ah eh wag na kaya ko naman hehe" nailagay ko yung ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko shet ene be yen mesyede ne keng negpepebebe lol.

"Gusto ko lang makasigurado na lagi kang safe." seryosong sabi niya. Yahhh teka napahawak ako sa garter ng panty ko parang lumuwag charot!

"Hehehehe. Ikaw talaga!" hindi ko napigilan nahampas ko siya sa braso! Kinikilig nanaman ako!

"Aray! sarap! hahaha" Bwiset! Natawa nalang din ako sarap daw baliw eh.

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon