Chapter 33 Sleepy head

600 44 44
                                    

Kai's POV






PAK!





"Awwwts!" napasinghap kami ni Earl nung makita naming sinampal nung babae si Gino. Andito lang kami sa labas ng kotse. Sinamahan namin si Gino makipag break sa mga GF's niya. Hahahahaha nakaka awang nakakatawa to think na pangatlong beses na siyang nasasampal ngayong araw! Hahahaha.





"Sorry claire." si Gino.

"Pakyu. I'm Elise!" sabi nung babae saka nagwalk out. Hahahahaha!



Nakahawak sa pisngeng lumapit si Gino samin.



"Ano tol sarap ba? Hahahaha!" pang aasar ni Earl. Natawa nalang din ako hahahaha!

"Sipain ko ulo mo eh!" Asik naman ni Gino.

"Hahahaha! Bakit kasi puro sa kanan ka nagpapatampal tol kaliwain mo naman para magpantay! Hahahahahah!"

"Hahahaha! Oo nga tol mukha ka ng itlog na maalat eh hahahah!" aniko hahahahaha. Hindi ko na mapigilang matawa talaga.



Napasabunot nalang ito sa buhok niya.



"Tara na last na to!"

"Meron pa? Tindi aa!" gulat na sabi ni Earl.

"Ano bang nakain mo at nakikipag break ka sa mga GF's mo?" bigla kong natanong. Napabuntong hininga siya bago nagsalita.

"Di ba ikakasal nako nakwento ko sa inyo? Nameet ko na yung girl. Guess who?"

"The who?" sabay pa naming tanong ni Earl. Pffft!!

"Si Mariah.... Yung kaklase ni Tonie! Aish!"

"What?" gulat na tanong ni Earl. Napakunot naman ang noo ko. Really? What a small world.



"Oh tapos? paano? anong kinalaman nun sa mga GF's mo?" si Earl

"Ah kasi nagusap kami... After graduation na yung engagement. Pero gusto niya magkakilala muna kami ng maayos yung tipong kikilalanin ko siya at kikilalanin niya ako bago matuloy yun! At kilala niya ako sa pagiging gwapo ko kaya medyo nagdadalawang isip siya! Galit sa babaero tol!.."

"Naku patay ka! Tss kaya tama yang ginawa mo hiwalayan mo na yung mga chikabebe mo! Saka tol maganda naman si Mariah ah.. Di nga lang kasing sexy ng mga syota mo pero pwede na din." si Earl. Napa Tss nalang si Gino.

"So anong napag usapan niyo?" singit ko.

"Napag usapan naming gumawa ng contract. 3 Months magiging kami after non saka kami magdedecide kung ano yung magiging totoong status namin. Kung mag kakagustuhan kaming dalawa within 3 months matutuloy ang engagement pero kung hindi....." bitin niya

"Ano?!" sabay nanaman kami ni Earl.

"Kung hindi matutuloy yung kasal namin hindi din matutuloy yung pag merge ng negosyo ng family namin." kwento ni Gino. Napailing nalang kami ni Earl. Maaapektuhan talaga ang negosyo nila. Mas maganda kasing mag merge kesa maging magkaribal yung mga negosyo.

"Ang unang rules niya dapat wala akong ibang magiging Girl Friend bukod sa kanya!Haist."

"Ganon ba tol? Hay.. Hayaan mo na di ka naman dehado tol. Malay mo si Mariah na talaga yung one true love mo." Si Earl habang nag tetext. Nagkatinginan naman kami ni Gino.

"Ikaw ba yan Earl? Akala ko ang sasabihin mo ganon ba tol? buti nga sayo karma mo yan dahil babaero ka! Hahahahah!" Natatawang sabi ni Gino kay Earl.

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon