Kai's POV
"Ano?! Hinatid mo siya sa bahay nila?!" Si Earl gulat na gulat ang ugok nakwento ko kasi yung.. yung alam niyo na yon.
"Wag ka ngang sumigaw! Sisinelasin ko mukha mo eh!"
"Hahaha! Tol iba ka ambilis mo talaga!"
"Baliw! Anong mabilis pinagsasabi mo?!"
"Hahahaha! Joke lang ito naman" lumapit ito sakin at inakbayan ako. Andito nga pala kami sa tambayan.
"Hindi lang ako makapaniwala na nagpahatid sayo si sunget eh." para siyang nagiisip Tsk baliw talaga
"Tumigil ka nga. W-wala lang yun. Napaiyak ko kasi siya parang naguilty lang ako"
"Guilty oh? Hmmmm" ngumiti siya ng nakakaloko.
"Aray! hahahahha!" pinalo ko siya ng tsinelas sa ulo. Kulet eh kung ano ano pinagsasabi.
"Asan ba si Gino?" Pagiiba ko ng topic wala din kasi yung isang ugok dito sa tambayan
"Wala hinatid yung bago nyang chikababes" sabi nito sabay tayo at kinuha ang bag niya mukang lalayas nanaman
"Bago?" di makapaniwalang tanong ko. Pabago bago ng syota samantalang di naman kagwapuhan tss
"Oo tol. hahaha! Daig ka pa! Hahahaha! Mas pogi talaga kaming dalawa sayo hahaha"
"Sira ulo!" akmang babatuhin ko nanaman siya pero kumaripas na siya ng takbo palabas baliw talaga tsk.
________
Tonie's POV
Napabuntong hininga ako bago maglakad sa campus. Ilang weeks na din ang lumipas wala ng nambubully sakin. Medyo panatag na din akong naglalakad sa campus na to. Napangiti ako bigla pupuntahan ko nga pala si Mickey sa Photography club. Tinext ko kasi si Micks andun daw siya ngayon kasi nagpapasa daw siya ng mga projects. Actually hindi naman talaga si Micks ang pakay ko hehehe napatingin ako sa dala kong box ng Cookies.
Lakad.. lakad...
"Ouch!Ayyyy!" may bumangga sakin at muntik na akong matumba shet! Buti nalang may...
"Ano ba mag-ingat nga kayo!" asik nito sa mga tumakbong studyante.. Hawak niya pa din niya ako sa bewang. Hinapit niya kasi ako para di ako matumba.
"Ok ka lang ba?" si Kai..
"O-ok lang ako. Salamat" lumayo nako sa kanya kaya naalis na din pagkakahawak niya sa bewang ko.. Yaaa bakit parang naiilang ako sa kanya haist!
"S-sige una nako may pupuntahan pa kasi ako" paalam ko sa kanya nakakailang na kasi mga tingin niya ee Huuuuu..
"Teka sandali!" Aish! pahakbang na sana ako ee -_-.
"B-bkit? anu kasi namamadali kasi ako ee" pagdadahilan ko. Tumalikod na ako pero humarang siya sa dadaanan ko
"San ka ba pupunta?" kunot noong tanong niya
"Ah eh sa photography club.. hehe m-may pupuntahan lang ako dun. Sige bye!" nauutal pako bwiset! dumaan ako sa gilid niya para makalarga nako errr..
______
Kai's POV
"San ka ba pupunta?" tanong ko sa kanya. curious lang hmm
BINABASA MO ANG
Love & Blood
FanfictionSabi nga nila blood is thicker than water. Na mas matimbang parin ang kadugo kesa sa ibang tao. Pero...... pano pag puso na ang umeksena? Blood is thicker parin ba? O Love is thicker than blood na?