Chapter 23 Just the 3 of Us (1)

566 49 29
                                    

Tonie's POV

Phone convo

"Hi Tonie!" Bati niya sa kabilang linya

"Napatawag ka?" tanong ko

"Ah.. Eh... May tatanong sana ako sayo..." bigla akong kinabahan.. ito na ba yon? kyaaahhhh

"Tonie? still there?" tanong niya hindi kasi ako nakasagot kaagad.

"Ah.. o-Oo andito pako. Ano nga pala yung itatanong mo?" Napahiga ako sa kama. Nasa kwarto nga pala ako. Nagaayos na ako ng kama ko para makasleep na ng tumawag siya.

"Ah.. Eh... Uhmmmm.." sabi niya sa kabilang linya aarrgg! Bigla akong napaupo sa kama ko.

"Ano!" kainis eh pabitin masyado tsk.

"Aray! Wag ka naman sumigaw sakit sa tenga eh!" Nailayo ko yung phone sa tenga ko. Ang impakto ang lakas ng boses! Napabuntong hininga ako bago nagsalita.

"A-ano ba kasi yon?" mahinahon kong sabi.

"Ayan.. ganyan lang dapat mas maganda yung boses mo sa phone pag kalmado ka lang." yiieee! Napakagat ako sa labi ko sa pagpipigil ng kilig ko! Kung katabi ko lang to bugbog sarado nanaman sakin to!

"Tss.. Pwede ba wag mo nakong bolahin..Ano nga kasi yon?"

"Ah..Gusto sana kitang iinvite? Pwede ba tayong lumabas sa sunday?" inaaya niya ba akong magdate? omg!!!! Napapaypay ako sa mukha ko gamit ang kamay ko.

"Ah.. s-sure! yun lang pala eh hehe" nakangiti kong sabi.

"Yes! Sige see you on sunday?" siya

"Okay.." simpleng sagot ko. Ilang segundo din kaming natahimik bago siya nagsalita.

"Good night Tonie" Siya. Simpleng good night lang niya para nakong naghahyper vintilate.

"Good night Kai" napangiti ako. Ibababa ko na sana ng magsalita siya ulit

"I love you. Bye" Kyaaaahhhhhhhhhhh!!!!!! Nagpagulong gulong ako sa kama sa sobrang pagkakilig ko. Waaaaaa!!!!

"Aray!" napahawak ako sa balakang ko ng nahulog ako sa kama amp! Nagulat ako ng biglang may kumatok

"Bella! Ano yang bumagsak jan? Wag ka ngang maingay jan natutulog na mga kapit bahay mo!" sermon ni mama.

"Wala ma meme na tayo!" nasabi ko nalang at natulog na kyaaaahhhh!



___________

Lumipas ang isang araw at linggo na. Maaga akong nagising dahil maaga akong susunduin ni Kai ngayon. Naligo nako at nag ayos ng sarili ko. Nag polo ako na long sleeve at skirt. Pwede na to medyo matagal na din akong nakatayo sa salamin. Nilugay ko lang ang buhok.

Pababa pa lang ako ng hagdan ng may marinig akong nagtatawanan sa sala. Napakunot naman ang noo ko.

"Kai! Andito ka na?" Nagulat ako ng makita si Kai nakaupo sa sofa. Napatingin ako bigla sa suot. Pati siya napatingin din sa suot niya.

"Waw! Terno pa kayo ha?" Nakangiting sabi ni Mama.

"Oo nga tita bagay na bagay talaga kami di ba po? hehe" Tanong nito kay mama. Parehas kasi kaming naka polo. Tas medyo parehas din ng kulay.

"Syempre naman hahaha!" Si mama talaga!

"Ma! aalis na kami." Paalam ko na kay mama kasi baka kung san pa mapunta yung usapan nato.

"Sige po tita mauna na po kami." paalam ni Kai kay Mama.

"Sige magingat kayo ha." hinatid na kami ni mama sa pinto.

Pag kasara ng pinto ni Mama nagkatinginan ulit kami ni Kai. Hindi ko na naitago ang ngiti ko. Parehas talaga kami hehehe.

"Ang cute mo ngayon" si Kai aga aga binubola nanaman ako.

"Aray! Hahaha! Ganyan ka ba palagi pag kinikilig?" pangaasar niya. Pinalo ko nanaman siya sa braso kasi.

"Tumigil ka Kai ha! Wag mokong inaano" pagtataray ko kunwari pero sa loob loob ko halos mangisay na ako hahahah.

Palakad na kami sa kotse niya ng may biglang humintong sasakyan sa harap namin. Isang black Audi. Wow! Nagulat din ako ng lumabas yung may ari ng sasakyan.

"Liam!" Bulalas ko. Naka puting sweat shirt siya. Pansin ko lang mahilig siya sa ganong damit. Sabagay bagay naman ang cute at ang linis niyang tignan, Hihihi



"Hi Tonie" Nakangiting bati nito sakin. Napatingin lang siya kay Kai pero binalik niya ulit sakin yung atensyon niya.

"Bago?" turo ko sa kotse niya.

"Ah eh hindi naman. Sira kasi yung truck ko eh." kamot ulo niyang sabi tas napatingin kay Kai. Omg! Tinadyakan nga pala ni Kai yung sasakyan niya dati. Tsk. I wonder ilan ba ang sasakyan nitong mga to iba na talaga pag mayaman.

"hehehe ganun ba? Uhmm.. bat ka nga pala nandito?" tanong ko

"Ah iinvite sana kita. May bago kasi kaming project ng Team. Sa photography yun ah gusto sana kitang gawing Model. Sabi kasi fresh faces yung kunin. Ikaw lang unang pumasok sa isip ko hehe" Medyo nahihiyang sabi niya. Kyaaahh napangiti naman ako. Fresh face ako? Namula ata ang muka ko dun. Napatingin ako kay Kai magkasalubong nanaman ang dalawang kilay niya tss.

" Ha? eh grabe nakakahiya naman. Alam m--"

"Hindi pwede may pupuntahan kami!" sabat ni Kai. Sinamaan ko naman ito ng tingin

"Ganun ba? Mamayang gabi pa naman yon Tonie eh." si Liam parang gustong gusto niya talaga akong gawing model haba ng hair ko charot!

"Ah eh----"

"Hindi pwede! Gabi na yon!" si Kai ulet!

"Bakit ba ikaw ang sumasagot?" baling nito kay Kai. Agad ko naman silang inawat na kasi mukang kung san nanaman ito mapupunta tss ito talagang dalawang to!!!

"Ah Liam may pupuntahan kasi kami ni Kai ngayon. Kung mamayang gabi pa yon sige okay lang hehe"

"What?!!" Sigaw ni Kai agad ko namang tinakpan yung bunganga niya. Aish!

"Ano ka ba ngayon lang naman to tss." Mahinang saway ko kay Kai. Napa tss nalang siya.

"San ba kayo pupunta?" tinignan niya si Kai tas biglang ngumiti sakin.

"Pwede bang sumama?" Hindi agad ako nakapag salita. Si Kai ang sama ng tingin sakin.

"Sige na please. Wala kasi akong gagawin sa bahay nakakaboring." Paawa effect ni Liam sakin. Napabuntong hininga ako saka nagsalita.

"S-sige na nga." Nakita kong napahilot ng noo si Kai. Parang nagpipigil siya ng galit at inis niya. Agad ko itong nilapitan at hinawakan yung kamay niya. Sa una medyo nagulat pa siya sa ginawa kong paghawak sa kamay niya. Tas napatingin siya sakin.

"Isama na natin Kai. Ngayon lang naman" mahinang sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga lang ito. Ang sama ng tingin niya kay Liam grabe! Sumandal naman si Liam sa kotse niya at nakangiti lang.

"O sya!" si Kai

"Tara na!" Aya ko sa kanila.



__________

Tulugan na!!!! HAHAHAHHAH

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon